Diether Ocampo ganap na ngayon isang Lieutenant Commander ng Philippine Coast Guard Auxiliary

Ang matinee idol noong taong 1990s na si Diether Ocampo at handa na siyang magbigay ng serbisyo publiko para sa maraming mga Pilipino. Ito ay matapos niyang mapabilang sa Philippine Coast Gurad Auxiliary (PCGA) at ngayon nga ay ganap na siyang Lieutenant Commander. Si Diether na mas kilala din sa kaniyang palayaw na Diet sa industriya ng show business ay ilan sa mga kilalang personalidad sa industriya ng show business na naging miyembro ng PCGA.

Ilan pa nga sa mga kilalang pangalan sa industriya sa Philippine Coast Guard ay sina Lieutenant Commanders Matteo Guidicelli, Erwan Heussaff, Nico Bolzico, at Gerald Anderson na isang Lieutenant.

Kamakailan lamang ay isa sa mga fan page ni Diether ang nagbahagi ng magandang balita na ito sa social media na una nang naibalita sa starcinema.abscbn.com. Ang nasabing fan page ay mayroong mga larawan ng “indoctrination ceremonies” na kaniyang ginawa nitong taon lamang.

Nagbahagi din naman ang official Facebook page ng PGCA ng mga larawan ng aktor sa mga dinaluhan nitong seminar, outreach activities, boodle fights, conventions, at iba pang mga training exercises.


Ang 46 na taong gulang na dating hunk actor ay natapos na kamakailan lamang ang kaniyang training sa ilalim ng Philippine Center for Advanced Maritime Simulation and Training (Philcamsat) noong nakaraang Hunyo.

Matatandaang naging bahagi siya ng drama fantasy series ng ABS-CBN na “Bagani” na pinagbibidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil. Miyembro din si Diether ng “The Hunk” ng ASAP kasama sina Jericho Rosales, Carlos Agassi, Piolo Pascual, at Bernard Palanca.

Talaga namang nakamamangha ang panibagong tagumpay na ito ng dating sikat na aktor at matinee idol na si Diether Ocampo. Kung dati ay nagpapasaya at nagpapakilig lamang siya ng maraming mga Pilipino ngayon ay mas marami pa ang kaniyang matutulungan sa ganitong uri ng pamamaraan. Tiyak na mas marami pa ang mga taong mahihikayat na lumahok sa mga ganitong uri ng serbisyo publiko.



error: Content is protected !!