Isabelle de Leon ibinahagi ang kaniyang sikreto sa kaniyang napakagandang katawan na hinahangaan ngayon ng marami!

Marami sa atin ang nakakaalala sa child star na si Isabelle de Leon lalo na sa kaniyang natatanging pagganap bilang anak ng beteranong aktor at komedyante na si Vic Sotto sa programang “Daddy Di Do Du” kasama pa sina Maxene Magalona at Danica Sotto na ipinalabas sa GMA network noong Hulyo 1, 2001 at nagtapos naman ng Hulyo 29, 2007.

At ngayon nga ay muli na naman nating napapanuod ang child star na si Isabelle de Leon at magkakaroon din siya ng pagkakataon na maipagmalaki ang kaniyang magandang pangangatawan sa kaniyang pagsabak sa Miss World Philippines 2019. Talaga namang hinahangaan ng marami ang kaniyang magandang pangangatawan na marahil ay isa sa mga pangarap ng maraming mga Pilipina.

Ayon sa 25 taong gulang na aktres at mang-aawit, ang kaniyang pinagsikapan at pinaghirapang pangangatawan ay hindi niya nagawa sa loob lamang ng isang magdamag dahil sa pinagtiyagaan niya at pinagsumikapan niya ang mga ito. Ibinahagi niya ang kaniyang fitness journey sa PEP.PH o sa Philippine Entertainment Portal noong Linggo, Agosto 4 sa C3 Events Place sa San Juan City.

Ayon sa kaniya, hindi naging madali para sa kaniya ang pagsisimula ng kaniyang pageehersisyo at pagdidyeta ngunit nasanay din naman ang pangangatawan niya rito kalaunan. Nagbigay din siya ng payo sa mga nagnanais magkaroon ng magandang pangangatawan kagaya niya.

Araw-araw siyang nagbubuhat, squats at side bends. Sa kaniyang 1-minutong vlog, ibinunyag niya na 500 sit-ups ang kaniyang ginagawa araw-araw at sinasamahan pa niya ng weights at dumbbells upang makamit ang flat na tiyan.

Marami sa ating mga Pilipino ang talaga namang labis na naghahangad magkaroon ng magandang pangangatawan ngunit higit pa rito ay dapat nating isapuso na mas mahalaga ang magandang kalusugan, pagkain ng masusustansiyang pagkain at ang magandang kaisapan tungkol sa ating buhay. Tiyak na mas magkakaroon tayo ng pagkakataon na mamuhay ng malusog, masaya at payapa.



error: Content is protected !!