Ito pala ang napakagandang “modern asian” na tahanan ni Zsa Zsa Padilla at Conrad Onglao

Ang tatlong palapag na bahay nina Zsa Zsa Padilla at Conrad Onglao sa Makati ay talaga namang kahanga-hanga sa ganda. Ang kwento ng kanilang pag-iibigan ay hindi rin naman nalalayo sa mga nobela na nababasa natin sa mga pocket books o si kaya naman ay sa mga pelikulang napapanuod natin sa mga sinehan o telebisyon.

Naikasal na noon sina Zsa Zsa Padilla at Conrad Onglao sa kani-kanilang mga asawa. Ang sikat na mang-aawit at aktres na si Zsa Zsa sa kaniyang mister noon na si Dr. Modesto Tatlonghari habang si Conrad naman ay sa isang Interior Designer na si Ivy Almario. Nagkaroon din sila ng kani-kanilang mga partner ng ilang mga taon din.

Si Zsa Zsa ay naging kapareha ni Comedy King Dolphy sa 23 taon ngunit binawian din ng buhay ang beteranong komedyante noong 2012 habang sampung taon naman nagkaroon ng relasyon si Conrad sa isang Beauty Queen.


Lingid sa kaalaman ng marami na si Megastar Sharon Cuneta ang dahilan kung bakit nagkakilala ang dalawa. At sa ngayon na malapit na silang ikasal ay pareho na silang naninirahan sa tatlong-palapag na bahay na idinesenyo mismo ni Conrad. Ito ay matatagpuan sa isang exclusive village sa Makati.

Talaga namang mamamangha ka sa napakaganda at napakamalikhaing pagkakagawa ng kanilang tahanan. Kahanga-hanga din naman ang puting mga pader at mga glass window ng kanilang tahanan.

Ang kanilang bahay ay walang “gate” o kahit anong barikada sa harapan nito dahil sa hindi gusto ni Architect Conrad na hindi maharangan ang kanilang tahanan ng kahit ano. Sadyang napakaganda din naman ng kanilang hagdagan na mayroong “contemporary design”.

Hindi rin naman mawawala sa kanilang tahanan ang itim na Kawai grand piano na makikita sa kanilang living area. Mayroon din itong pribadong elevator na isa sa pinakaespesyal na bahagi ng kanilang tahanan. Ngunit mas nais pa rin nilang gamitin ang kanilang hagdanan kadalasan.



error: Content is protected !!