Julia Barretto, nagmomove-on na ngayon sa susunod na kabanata ng kaniyang buhay sa gitna ng maraming mga intriga!

Marami nga ang nabigla at nasorpresa nang lubusan nang lumabas ang sunod-sunod na mga intriga at kontrobersya sa pagitan nina Julia Barretto, Joshua Garcia, Bea Alonzo, at Gerald Anderson. Tila tumigil ang mundo ng magulantang ang publiko sa panloloko diumano ni Julia Barretto sa nobyo niyang si Joshua Garcia kasabay nang pakikipagmabutihan nito sa aktor na si Gerald Anderson. Gayundin naman ang diumano ay “ghosting” na ginawa ni Gerald sa kaniyang nobya noon na si Bea Alonzo.

Marami sa mga netizen ang hindi na napigilan pang magbigay ng kani-kanilang mga komento at pahayag patungkol sa nasabing kontrobersya. Marami ang nagalit at nagsabi ng masasakit na mga salita patungkol sa aktor na si Gerald na diumano ay babaero daw ayon sa maraming mga netizen na madiin naman niyang itinatanggi.

Hindi rin naman nakaligtas sa masasakit na panghuhusga at pananalita ng galit na galit na publiko ang aktres na si Julia Barretto. Naging mas maugong nga ang pangalan ng aktres na ito ng magpahayag siya ng kaniyang saloobin at maiinit na salita sa aktres na si Bea Alonzo.

Sa ngayon ay naghihintay pa ang maraming mga netizen sa isasagot ng aktres na si Bea. Kasunod nito ay ang pagpopost ni Julia ng isang larawan niya na mayroong caption na “New Chapter” na tila isang matapang na pahayag na siya ay nagmomove-on na sa kabila ng mga pagsubok na ito sa kaniyang personal na buhay at sa kaniyang karera sa show business.

Matapos niyang sumabak sa Bay Area Show ng ASAP sa San Jose, California ay nagkaroon siya ng pagkakataon na makapagpahinga at makikita ang magaganda niyang larawan sa kaniyang social media account. Masaya din siyang naghapunan kasama ang kaniyang buong pamilya na todo suporta sa kaniya. Nagbahagi ng ilang larawan ang kaniyang ina na si Marjorie Barretto kasama ang kaniyang mga kapatid na sina Dani at Claudia Barretto kasama pa ang mister ni Dani na si Xavi Panlilio at boyfriend ni Claudia na si Basti Lorenzo.



error: Content is protected !!