Celebrity babies na mayroong magagandang mga mata, labi na hinahangaan ngayon ng publiko!

Kung mayroon tayong kasabihan na “walang matigas na tinapay sa mainit na kape” tunay ngang walang matigas na puso o mainit na ulo kapag nakita at nasilayan mo ang mga cute na cute at nakakagigil na mga bata na ito. Hindi natin maikakaila na tayong mga Pilipino ay talagang mapagmahal at mapagkalinga sa ating kapwa. Gayundin naman ay labis tayong napapamahal at nahuhumaling sa inosenteng mga mukha at nakakagigil na halakhak at ngisi ng mga sanggol o bata sa ating paligid. Kagaya na lamang ng mga batang ito na mga anak ng sikat na mga personalidad sa industriya ng show business.

Pepe Ramon Gerardo Manuel Denzel Sanchez Roxas


Ang anak nina Mar Roxas at Korina Sanchez ay mayroong kulay “gray” na mga mata. Siya ay mayroong palayaw na Pepe. Ikinuwento din naman ng kaniyang mommy na si Korina Sanchez sa isa sa kaniyang mga panayam sa PEP.PH na ang kaniyang ama na si Ramon Sanchez Sr. ay mayroong dugong Peruvian kung kaya mayroon din itong gray na kulay ng mga mata.

Austin Titus Chua


Ang anak na ito nina Nadine Samonte at Richard Chua ay mayroong palayaw na Titus. Marahil ay nakuha niya ang kaniyang kulay gray na mga mata sa kanilang mga kamag-anak sa Rosenheim, West Germany, kung saan ipinanganak si Nadine.

Archibald Francis Burnand


Ang anak naman na ito ni Georgina Wilson na si Archie ay mahilig sa pagkaing Pinoy na adobo. Mayroon siyang asul na mga mata tulad ng sa kaniyang Briton na ama na si Arthur Burnand.
Amelia Birchmore Ang anak naman na ito ni Valerie Bangs Garcia sa kaniyang Filipino-British na mister na si Lloydi Birchmore ay mayroong gray at berdeng kulay na mga mata.

Arabella Simone Eigenmann


Si Arabella naman na anak nina Geoff Eigenmann at Maya Flores ay mayroong brown na kulay ng mga mata kagaya ng kaniyang ama na mayroong Swiss, Spanish at Filipino descent.

Source: Pep



error: Content is protected !!