Judy Ann Santos ibinahagi ang “shopping rule” niya para sa kaniyang mga anak: “Doon sila sa mura”

Ang kilalang aktres na si Judy Ann Santos-Agoncillo ay talaga namang hinahangaan at minamahal ng marami sa loob ng 34 taon niya sa industriya ng show business.Ngunit pagdating sa pangangaral at pagdidisiplina sa kaniyang mga anak patungkol sa pera o sa pananalapi simple lamang ang kaniyang mga pamamaraan.

Pagbabahagi ng aktres, kung saan sila makakamura ay mas pinipili nila yun. Bukod sa pagiging aktibo sa industriya ng show business ay mayroon ding restaurant ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos-Agoncillo na isa rin sa kanilang mga pinagkukuhanan ng kanilang kabuhayan, ang “Angrydobo”.

Kahit pa nga tiyak na malaki-laki na rin ang kanilang ipon sa kanilang pagiging artista at sigurado na ang kinabukasan ng kanilang mga anak ay mas pinipili pa rin nila ang maging magandang ehemplo para sa kanilang mga anak lalo na sa paggastos nila ng kanilang pera.

“They’re not materialistic people, e. Basta nagustuhan nila ang isang bagay, regardless kung mura o mahal, doon sila sa mura,” pagpapaliwanag ng beteranang aktres. Dagdag pa ng aktres, aware ang kaniyang mga anak na hindi din naman dapat maging mahal ang kanilang mga gamit kung kaya naman kapag mayroon silang gustong bagay, mura man ang halaga nito o mahal ay mas pinipili nila kung saan sila makakamura.

Ito rin diumano ang natutunan sa kanila ng panganay nilang si Yohan. Kung nasa mall sila o sa tindahan, hinihikayat ng 41 taong gulang na si Juday ang kaniyang mga anak na piliin lamang ang mas nakamumura. Kung nagtuturo nga ang kaniyang mga anak ng nagugustuhan nilang mga bagay o laruan ay nakakakita kaagad si Juday ng mas maganda at mas murang alternatibo.

Ibinahagi ito ng aktres at iba pang “parenting hacks” sa launching ng Champion Supra Power Detergent na ginanap sa Makati Diamond Residences nito lamang Agosto 5, 2019. Talaga namang hinahangaan ng marami ang mag-asawa na ito sa kanilang pamamaraan at pagpapalaki ng kanilang mga anak bilang mabubuti at responsableng mga tao.

Source: Pep



error: Content is protected !!