Loisa Andalio nagbahagi ng larawan ng kaniyang bagong sasakyan sa kaniyang Instagram!

Marami sa atin ang nangangarap magkaroon ng sarili nating bahay at lupa, sasakyan, negosyo, at iba pang mga materyal na bagay. Hindi natin pinapangarap ang mga bagay na ito upang makapagmayabang o ano pa man bagkus at upang matupad ang ilan sa ating mga pangarap sa buhay, pangarap na matamo at makamit dahil na rin sa ating pagsusumikap at pagtitiyaga sa buhay. Nito lamang Agosto 10, Sabado nang ibahagi ng Kapamilya actress ang larawan ng kaniyang bagong sasakyan na isang Nissan NV350 Urvan sa kaniyang Instagram.

Kung pagbili ng sasakyan ang pag-uusapan kadalasang mas pinipili ng maraming mga artista ang pagiging praktikal at komportable. Halimbawa na lamang ang pagbili nila ng mga sasakyan na mayroong mas maluwag na espasyo sa loob nito para sa kanilang mga damit at iba pang mga kagamitan o di kaya naman ay maaari silang magpahinga at matulog dito sa mahahaba nilang mga break kung sila ay mayroong mga shooting.


Ito marahil ang isa sa mga nasa isip ng Kapamilya actress na si Loisa Andalio na kamakailan lamang ay nabilli na nga ang isa sa kaniyang mga pangarap na sasakyan. Talaga namang lubos lubos ang kaniyang pagpapasalamat sa mga pagpapala na kaniyang natatanggap sa ngayon lalo na ang pagkakaroon niya ng bagong sasakyan. Mayroong caption ang aktres sa ibinahagi niyang larawan sa social media at sinabi niyang, “Thank you po Papa Jesus [heart emoji] You’ve blessed me more than I deserve. I love you!”

Ayon na rin sa website ng nasabing brand ng sasakyan, ang bagong sasakyan ni Loisa ay 15-seater edition at mayroong presyo na P1, 440,000. Binati naman siya ng kaniyang mga kaibigan at kapwa artista sa naging panibago niyang tagumpay. Ilan sa mga bumati sa kaniya ay ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Axel Torres na nagkomento sa kaniya ng “Good job!”. Maging si Awra Briguela ay binate din siya at nagsabing “Congrats ate!”

Source: Pep



error: Content is protected !!