Mga magulang sa India matapang na inakyat ang pader ng eskwelahan ng kanilang mga anak para lamang matulungan sila na makapandaya sa pagsusulit!

Bilang mga magulang, hanggang saan mo nga ba kayang tulungan ang iyong mga anak para lamang maabot nila ang kanilang mga pangarap. Maraming mga magulang ang tiyak na sasang-ayon na bawat magulang ay kayang isakripisyo ang kahit ano para lamang sa kapakanan ng kanilang mga anak.Ngunit ang mag-asawa na ito sa India ay talaga namang literal na tinulungan ang kanilang anak para sa pagtupad nito sa kaniyang pangarap. Literal na inakyat ng mga magulang na ito ang pader ng isang paaralan kung saan nag-aaral ang kanilang anak para lamang makapangdaya ito sa kanilang exam!

Ang mga grade 10 na estudyante ng isang paaralan sa Bihar, India ay nakatakdang magkaroon ng kanilang national exam na isang requirement upang makapasa sila at magkaroon ng General Certificate of Secondary Education (GCSE). Dahil alam nilang napakahirap ng pangyayari na ito sa buhay ng kanilang mga anak ay matapang na inaakyat ng mga magulang na ito ang pader ng eskwelahan matulungan lamang nila ang kanilang mga anak na makapandaya sa kanilang pagsusulit. Kung tama man ang isasagot ng mga magulang na ito sa exam ng kanilang mga anak ay hindi din naman sigurado ngunit pinatunayan naman nila na kaya nilang gawin lahat para lamang makapasa ang kanilang mga anak sa pagsusulit na ito.

Ang mga larawan ng mga magulang na ito na wala man lang lubid o kahit anong safety measures para sa kanila mismong kaligtasan ay kumakalat ngayon sa social media at talaga namang hindi makapaniwala ang maraming mga netizen at tila napapakamot na lamang ng kanilang mga ulo. Sino nga ba ang makapagsasabi na magagawa ito ng mga magulang para sa kanilang minamahal na mga anak.Ang mga pangyayaring ito ay madalas na makikita sa India kung saan limitado lamang ang nabibigyan ng pagkakataon o oportunidad na makapasok sa kolehiyo. Kung kaya naman ang pagkakaroon ng mataas na marka sa national exam ay isa sa mga susi upang makapag-aral sa kolehiyo ang maraming mga kabataan mula sa India, hindi na nakapagtataka na gagawin ng mga magulang ang lahat para sa kanilang mga anak.



error: Content is protected !!