Dennis Trillo at Jennylyn Mercado nagpanggap na mga perfomer sa LRT 1!



Hindi inakala ng maraming mga pasahero at ng mga taong naroroon sa LRT 1 na mayroong mga sikat na artistang kakanta sa kanilang harapan. Kamakailan nga lamang ay naging viral ang kuhang mga larawan at video ng Kapuso actor at actress na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado habang sila ay nagpanggap bilang mga performer sa LRT 1. Talaga namang hindi sila namukaan ng maraming mga tao dahil na rin sa kanilang suot suot na balat-kayo.


Hinangaan ng marami ang kanilang pag-awit maging ang dati nang kanta ng aktres na “Kahit Sandali”. Umani naman ng maraming mga komento at reaksyon mula sa netizens ang nasabing mga larawan at video ng mga kilalang artista na ito. Sila ay ilan lamang sa pinakahinahangaang personalidad sa industriya ng show business ngayon dahil na rin sa kanilang mahusay na pagganap sa kanilang mga karakter mapa-telebisyon man o sa mga pelikula.



Ang ginawa nilang pagtatanghal ay upang mas mabigyang-pansin ng publiko at ng maraming mga Pilipino na nangangailangan din ng ating tulong ang maraming mga PWD o Person With Disability nating mga kababayan. Sadyang napakaraming mga PWD ang may mga natatanging talento at may napakalaking kapakinabangan sa ating lipunan ngayon kung kaya hindi dapat sila husgahan at maliitin ng kahit sino sa atin. Bagkus ay mas tulungan natin sila na maabot ang kani-kanilang mga pangarap sa buhay at maipakita sa ating lahat ang kanilang mga natatanging kakayahan at talento.


Si Jennylyn Mercado o kilala din bilang si Jennylyn Anne Vergara Pineda Mercado sa tunay na buhay ay 32 taong gulang na aktres, mang-aawit, host, endorser at tri-athlete. Siya ang kauna-unahang nagwagi sa unang season ng reality talent competition na Starstruck ng GMA network. Talaga namang hinangaan ng marami ang kaniyang mahusay na pagganap sa maraming mga pelikula at teleserye. Siya rin ay binansagan ng publiko bilang “The Ultimate Star”.


Habang si Abelardo Dennis Florencio Ho o mas kilala ng marami bilang si Dennis Trillo ay 38 taong gulang na aktor, mang-aawit, endorser, TV host at fashion model. Nakilala siya lalo ng publiko sa kaniyang kahanga-hangang pagganap bilang si Eric del Mundo sa kauna-unahang gay-themed series sa telebisyon ang “My Husband’s Lover” ng Kapuso network na ipinalabas noong 2013.




error: Content is protected !!