Kapuso actress na si Solenn Heussaff, ibinahagi sa social media ang kaniyang 4 ½ months old na baby bump!



Nito lamang Agosto 10 nang ibinahagi ng mag-asawang Solenn at Nico Bolzico ang napakagandang balita na sila ay magkakaroon na ng kanilang panganay na anak dahil sa buntis na ngayon ang muti-talented Kapuso actress na si Solenn Heussaff. Ikinatuwa ito ng maraming mga netizens at maging ang mga taga-hanga ng mag-asawa dahil sa matagal-tagal din ang kanilang naging paghihintay para sa napakagandang biyaya na ito.



Matapos ngang ibahagi ng “Love You Two” star na si Solenn Heussaff ang napakagandang balita na siya ay nagdadalang-tao na, nagbahagi siya ng ilang mga larawan ng kaniyang baby bump sa kaniyang Instagram stories. Nilagyan niya ito ng caption na “half way there.” habang siya ay nakasuot ng mismatched bikini. Minsan pa ay nagbahagi siya ulit ng isang larawan kung siya ay naka-anggulo ng patagilid at talaga namang nahahalata na ang kaniyang 4 ½ months old na baby bump!


Umani naman ito ng samu’t-saring komento at reaksyon mula sa mga netizens. Mayroong ilang mga netizen ang hindi makapaniwala na apat na buwan na ang dinadala ng Kapuso actress dahil sa talaga namang napakaganda pa rin ng pangangatawan ng aktres na aakalain mo nga na busog lamang dahil sa angkin kagandahan ng kaniyang pisikal na pangangatawan.



Isang nakakatuwang pahayag naman ang naging komento ng aktres sa isang netizen na mayroong pangalan na “bogasy” na nagpost ng larawan nito habang hawak din ang kaniyang malaking tiyan at nilagyan pa niya ng caption ang kaniyang larawan na “Half way there? Mas mukha pa akong buntis kay Solenn eh. Saan ang hustisya.”


Kahit pa nga buntis ang aktres ay napapanatili pa rin nito ang kaniyang pag-aalaga sa kaniyang katawan at lalo na sa kaniyang kalusugan dahil na rin sa kaniyang pag-eehersisyo. Nagbahagi pa nga siya ng isang halimbawa ng workout na naaayon sa mga nagdadalang-tao. Tiyak na hindi na makapaghintay ang publiko na masilayan ang panganay na anak celebrity couple na ito.

Source: Pep




error: Content is protected !!