Bea Alonzo nasa moving on stage na matapos ang mga nagdaang kontrobersiya!



Talaga namang ikinabigla ng marami ang kontrobersiya na kinasangkutan nina Bea Alonzo, Gerald Anderson, at Julia Barretto. Kung saan diumano ay si Julia Barretto ang naging dahilan ng hiwalayang Bea at Gerald. Naging mas masalimuot pa ang isyu na ito dahil sa pagbubunyag ng aktres na si Bea na hindi pa sila diumano naghihiwalay ng aktor dahil ang katotohanan ay bigla na lamang itong hindi nakipag-usap sa kaniya. Marami ang mga netizen na naka-relate sa pangyayari at hindi na rin mabilang ang mga nagpahayag ng kani-kanilang mga komento patungkol sa kontrobersiya na ito.



Matapos nga ang ilang araw at ilang linggo ay nagsalita na at nagpa-interview ang aktor na si Gerald Anderson kasunod nito ay ang pagpapahayag ng aktres na si Julia Barretto ng kaniyang saloobin patungkol sa isyu na talaga namang pinag-usapan ng marami. Maging ilang mga kilalang personalidad sa industriya ng show business ay hindi na rin napigilan pa na magpahayag ng kani-kanilang mga opinyon.


Sa kabila ng maiinit na mga pahayag ni Julia patungkol kay Bea ay nanatili itong tahimik at kamakailan nga lamang ay namataan siyang kasama ang ilan sa kaniyang malalapit na mga kaibigan. Ito ay sina Paulo Avelino at ang non-showbiz girlfriend nito na si Jodie Tarasek.


Kasama din sa kanilang bonding ang basketball player na si LA Tenorio at ang asawa nito na si Chesca. Ayon sa ilang reports si Jodie ang nagbahagi ng litrato ng kanilang grupo sa kanyang Instagram Stories nito lamang Agosto 11.



Hinangaan ng maraming mga netizen ang moving on stage na ito ng mahusay na aktres. Maging ang kaniyang social media account ay makikitaan na rin ng pagpapahiwatig ng kaniyang pagmomove-on. Si Phylbert Angellie Ranollo Fagestrom o mas kilala ng publiko bilang Bea Alonzo.



Siya ay 31 taong gulang na aktres, modelo, at endorser mula sa Cainta, Rizal. Talaga namang hinahangaan siya sa larangan ng pag-arte dahil sa kaniyang kagalingan at kahusayan sa napili niyang larangan. Hindi rin kataka-taka na magkaroon siya ng maraming mga tagasuporta at tagahanga.

Source: Pep




error: Content is protected !!