Dating tagapaglinis lamang na nobyo minaliit ng kaniyang kasintahan, ngayon ay isa nang CEO ng kompanyang mayroong 3,000 na mga empleyado!



Mga tagapaglinis, janitor, tagapagwalis ng kalsada, taga-kolekta ng basura, ang ilang mga trabaho na madalas ay minamaliit o minsan ay minamata ng ilang mga tao sa ating komunidad ngayon. Wala din namang kabataan ang magnanais na magkaroon ng mahirap at mabigat na trabaho kagaya ng mga ito. Isang lalaki nga ang ibinasura ng kaniyang nililigawan dahil ang kaniyang trabaho ay “tagapaglinis” lamang at diumano ay mas mabibigyan siya ng magandang kinabukasan ng isang “university student” kaysa sa kaniya.



Ngunit ang nasabing lalaki na ito ay hindi nagpadaig sa pangungutya at panghahamak ng babae dahil sa magsumikap siya at nagpursige upang maging isang CEO ng ilang mga kompanya na mayroong higit sa 3,000 na mga empleyado. Si Vernon Kwek ay 13 taong gulang pa lamang noon nang tulungan niya ang kaniyang ama sa trabaho nito bilang tagapaglinis dahil sa natanggal ito sa kaniyang trabaho sa Singapore. Tuwing Sabado at Linggo ay tinutulungan niya ang kaniyang ama sa trabaho nito upang magkaroon siya ng extra na pera para sa kaniyang pag-aaral.




Nagustuhan niya ang pakiramdam nang kumukita ng sariling pera na kaniyang pinaghirapan kung kaya naman sa edad na 14 ay hindi na siya nag-aral pa nang malaman niyang ang mga nagmamay-ari ng pinagtatrabuhan ng ama ay higit pa ang kinikita kaysa sa mga inhinyero. Hindi sang-ayon ang kaniyang ama sa kaniyang binabalak na hindi na mag-aral at magtrabaho na lamang ngunit sayang desidido siya sa kaniyang plano para sa kaniyang hinaharap.




Talaga namang pinaghusayan niya ng husto ang kaniyang trabaho bilang tagapaglinis kung kaya naman hindi na nakapagtataka na sa edad na 14 ay naging supervisor na siya. Sa edad na 25 ay naging senior supervisor na siya ng kompanya kung saan nagmamaneho na siya ng isang BMW, at napakaraming pera ang kaya niyang gastusin basta basta na lamang. Kung kaya naman siya ay natanggal sa trabaho na labis niyang pinagsisihan. Matapos nito ay nagsumikap siyang bumangon muli at mas paghusayan pa ang kaniyang ginagawa.




Nagkaroon siya ng trabaho sa WIS Holdings at kalaunan ay nalipat sa Primech, noon ay 200 lamang ang mga empleyado nito ngunit dahil sa kaniyang kahusayan ay naisaayos niya ang kompanya at naging matagumpay. Higit pa rito ay nagkaroon na siya ng sarili niyang shares sa kompanya at ngayon ay CEO na siya ng Primech at ng dalawa pang mga kompanya, ang A & P Maintenance at Maint-Kleen.






error: Content is protected !!