Isang konduktor ng bus, usap-usapan ng publiko ngayon matapos mag-mala-spider man sa siksikan na bus!



Isang konduktor kamakailan lamang ang naging usap-usapan ng publiko dahil sa kakaibang istilo nito sa kaniyang trabaho. Tila nagpamalas nga ito ng kaniyang “spiderman moves” dahil sa paggapang nito sa mga “handrails” ng kanilang bus. Punong-puno ang kanilang pampasaherong bus at talagang hindi mahulugang karayom ang sitwasyon kung kaya naman napakaimposible talaga na makapunta ang isang tao mula sa isang dulo nito at pabalik.

Ang wais na konduktor ay nakaisip ng napakagandang ideya upang maresolba ang problema at makapagpamahagi pa din ng mga ticket sa mga pasahero at makakolekta ng kanilang mga pamasahe nang hindi na nakikipagsiksikan pa sa mga pasahero. Sadyang kumplikado nga at mahirap ang ginawang ito ng konduktor ngunit dahil sa bata pa siya ay talaga namang naisagawa niya ito ng maayos. Hinangaan naman ito ng maraming mga netizen at umani ng maraming mga positibong komento mula sa publiko.



Isang Rene Rivera ang nagbahagi ng mga larawan ng nasabing konduktor na agad namang nag-viral at kumalat sa iba’t-ibang social media platform. Talaga namang hindi makapaniwala ang marami na makakaya niya itong gawin dahil sa hindi rin talaga biro ang paggapang sa mga “handrail” ng umaandar na bus nang hindi ka bumabagsak sa mga taong nagsisiksikan sa loob ng bus.


Tunay ngang napakahirap na ng naging paraan ng transportasyon ngayon ng marami sa atin lalo na sa kaMaynilaan. Kung dati rati ay walang mga nakatayo na pasahero sa loob ng mga bus dahil na rin sa kanilang siguridad, ngayon ay tila balewala na lamang ito. Ang nakakalungkot pa ay nakaupo ka man sa mga ganitong uri ng pampasaherong sasakyan o isa ka sa mga hindi masyadong pinalad at nakuntento na lamang na tumayo ay iisa pa rin naman talaga ang kanilang binabayaran. Sana ay kahit papaano magawaan naman ng solusyon ang mga ganitong problema sa ating lipunan ngayon.



error: Content is protected !!