Chinita Princess na si Kim Chiu nagbahagi ng kaniyang kamangha-manghang koleksyon ng mga sneakers.



Ang Kapamilya actress na si Kim Chiu ay isa na nga sa pinakaprominenteng aktres ng kaniyang henerasyon. Matapos niyang magwagi bilang Pinoy Big Brother Teen Edition Grand Winner noong 2006 naging sunod-sunod na ang kaniyang mga proyekto at talaga namang nakilala na siya sa industriya ng show business. Dahil na rin sa tagal ng kaniyang pamamayagpag bilang artista ay nakapagpundar na siya ng ilang mga ari-arian at mamahaling mga kagamitan.



Kamakailan nga lamang ay ibinahagi ng aktres ang isa sa kaniyang mga pinakaiingatang koleksyon ng mga sneakers. At talaga namang gustong-gusto ng aktres ang kaniyang mga sneakers, hilig na hilig niyang pinapareho ang mga ito sa kahit anong uri ng kaniyang kasuotan.


Ayon sa kaniya, ang kaniyang mga sneakers ang sunod sa kaniyang mga bags na itinuturing niyang mga “babies” niya. “Lately, sobrang nahilig talaga ako sa mga white sneakers and ang daming nagtatanong na, ‘Anong shoes ‘yan?’ So now, I’m gonna share to you guys, my sneakers collection.” Pag-amin ng dalaga.


Mayroon pa ngang sariling silid ang kaniyang mga minamahal na mga sapatos na ipinasilip niya sa kaniyang latest vlog. Mayroon siyang koleksyon ng mga putting sneakers at ang katotohanan ay mayroong 15 pares ng iisang style ng sneakers na mayroong iba’t-ibang kulay at detalye sa bandang likuran. Nagbahagi rin siya ng ilang mga shoe care technique at fashion tips patungkol sa mga sapatos sa kaniyang latest vlog.


Ayon sa Kapamilya actress, mayroon siyang 15 pares ng British luxury fashion brand Alexander McQueen sneakers, ngunit ang pinakapaborito niya sa mga ito ay ang anim na pares ng Balenciaga at Wolfe shoes. Dagdag pa niya ay mas dapat ingatan ang mga sapatos lalo na kung summer. At dahil nga kulay puti na mga sneakers ang hilig niya nagbigay din siya ng ilang mga payo sa mas epektibong pangangalaga at pag-iingat dito. Ilan na nga dito ay ang pagtatabi ng mga ito sa isang malamig na lugar, shoe spa o deep cleansing, at ang pagkakaroon ng mga shoe cleaners upang magamit ito kung kinakailangan.






error: Content is protected !!