Ito pala ang napakagandang tahanan ni Coco Martin sa California na binisita kailan lang ng “Gold Squad”



Hindi nga maipagkakaila na si Coco Martin ang isa sa pinakamatagumpay na aktor ng kaniyang henerasyon. Talaga namang tinatamasa niya ngayon ang bunga ng kaniyang paghihirap at pagtitiyaga sa paglipas ng maraming mga taon.



Bago pa man siya maging isang kilalang aktor at direktor sa “Ang Probinsiyano” madalas na siyang napapanuod noon sa mga “indie” films. “Rags to riches” nga ang paglalarawan sa buhay ng aktor na ito.

Ipinasilip ni Coco Martin ang kaniyang 2,000 metro kwadradong mansyon sa Quezon City na talaga nama ng hinangaan ng napakarami niyang mga tagahanga at tagasuporta. Ngunit hindi alam ng marami ang kaniyang napakagandang bahay sa San Francisco, California. Nagpaunlak nga ang aktor na masilayan ng publiko ang kaniyang nakakamanghang tahanan sa Estados Unidos nang paunlakan niya ang “Gold Squad” na magkaroon ng “house tour” dito.




Ang “Gold Squad” ay binubuo ng mga bidang aktor at aktres ng sikat na programa sa Kapamilya network tuwing hapon na pinamagatang “Kadenang Ginto”. Ito ay sina Francine Diaz, Andrea Brilliantes, Kyle Echarri, at Seth Fedelin.

Kamakailan lamang ay lumipad sila sa California bilang paglahok sa Kapamilya Fiesta World Tour. Sa nasabing video ay mapapansin ang ilan pa sa mga sikat na artistang kasama ni Coco Martin sa kaniyang tahanan. Ilan sa mga ito ay sina Angel Locsin, Paulo Avelino, at Tony Labrusca. Naghanda si Coco Martin ng munti ngunit espesyal na salo-salo para sa kaniyang mga bisita sa kaniyang tahanan sa California.


Tunay nga na naging inspirasyon ng marami ang buhay ni Coco Martin. Sino nga ba ang makapagsasabi na ang isang ordinaryong tao lamang noon ay magkakaroon ng ganitong uri ng tagumpay kung saan siya ay papalarin na makapagpundar ng maraming mga ari-arian, sasakyan at ilang bahay sa loob at labas ng bansa.

Hindi lamang siya hinahangaan ng marami dahil kaniyang kagandahang lalaki o maging sa husay at galing niya sa kaniyang napiling larangan ngunit higit sa lahat ay sa kaniyang pagsisinop sa pera na kaniyang pinagpaguran at sa kaniyang pagsusumikap sa buhay.




error: Content is protected !!