Joshua Garcia, masayang-masaya at excited ngayon sa bago niyang love team partner!



Hindi na nga lingid sa kaalaman ng marami ang naging kontrobersiya nitong nagdaang mga buwan sa ilang Kapamilya stars kabilang na sina Bea Alonzo, Gerald Anderson, Julia Barretto, at Joshua Garcia. Tunay nga na mayroon na muling dahilan ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia na ngumiting muli patungkol sa kaniyang karera sa industriya ng show business sa kabila ng maayos na hiwalayan nila ng dati niyang nobya na si Julia Barretto.



At dahil nga parehong single at walang mga commitment sina Joshua at Janella ay nasasabik na ang kanilang mga tagahanga at tagasuporta kung saan nga ba sila dadalhin ng kanilang pagtatambalan sa television series na “The Killer Bride”.


Sa naging press conference ng television series na ito ay inamin ng 21 taong gulang na aktor na noon ay mayroong pag-aatubili sa kanilang dalawa ni Janella ngunit naging maayos din naman ang lahat matapos nilang sumailalim sa ilang mga pagsasanay at workshops. Dagdag pa ng aktor, kinailangan nilang dalawa na magsanay mangabayo dahil ito ay hinihingi at kinakailangan para sa kanilang gagampanang mga karakter.


“Nag-workshop kami. Nagkakapaan din kami don during mga break. And may mga ginawa rin kaming… nangangabayo kami, tinuturuan kaming mangabayo. Hanggang sa naging komportable na kami tapos naging magaan ngayon sa eksena,” ito ang naging pahayag ni Joshua.



Pag-amin naman ni Janella maaaring mayroong mga bagay na naging mahirap para sa kaniya ngunit hindi naman naging problema para sa kaniya ang koneksyon niya kay Joshua.
“Actually, hindi naging mahirap makipag-connect kay Josh don sa workshop.

Hindi naman naging mahirap na maka-adjust,” ito ang naging pahayag ng aktres. Nang tinanong naman ang dalawa kung payag ba sila sa posibleng kissing scene ay sinabi naman nila na hindi ito magiging problema sa kanilang dalawa. Ayon sa bagong love team partner, hindi naman ito magiging isyu sa kanila lalo na at para naman sa ikagaganda ng kanilang programa.






error: Content is protected !!