Nash Aguas matapang na sinuong ang “Scout Ranger Training” sa murang edad!



Ang mga aktor at aktres sa panahon natin ngayon ay gumagawa ng kanilang mga pamamaraan upang mas maging epektibo ang kanilang pagganap sa kanilang mga proyekto sa telebisyon man o sa mga pelikula. Mayroong mga sumasailalim sa mga training habang ang iba naman ay sa mga workshop.



Ngunit gaano nga ba ang kayang gawin o kayang isakripisyo ng batang aktor na si Nash Aguas para sa epektibo niyang pagganap? Sa nalalapit na Kapamilya series na “A Soldier’s Heart”, ang mga aktor na kabilang dito ay sumailalim sa isang military training bilang paghahanda. Sila ay sina Nash Aguas, Gerald Anderson, Elmo Magalona, at si Jerome Ponce.


Ang 20 taong gulang na aktor ay nagbahagi mismo sa kaniyang social media account ng ilan sa mga hindi malilimutan niyang karanasan sa Soldiers Skills Orientation Training Camp sa Tecson, San Miguel, Bulacan. Ayon sa batang aktor, ang nasabing pagsasanay ay hindi lamang malaking hamon sa kaniyang pisikal na pangangatawan kundi maging sa kaniyang kaisipan.


Ibinahagi din nito na nag-rappel sila sa 40 feet na tower, nagmartsa sa bundok habang mayroong karga na 15 kilong bag at baril, pagpapatrol o yaong simulation ng engkwentro sa kalaban at marami pang iba.


Nagkwento rin siya patungkol sa hirap ng maraming mga sundalo ng Pilipinas sa kanilang pagsasanay. Dumating pa nga ang araw kung kailan siya ay nilagnat dahil sa hirap ng kanilang naging pagsasanay sa araw-araw at ang dalawang oras na tulog ay isa nang biyaya para sa kanila. Ngunit pinaalalahanan siya ng kaniyang superior patungkol sa kanilang pagsasanay at talaga namang napakarami niyang napagtanto sa napakaraming mga bagay.



Binigyang-diin din niya ang lahat ng kaniyang mga natutunang aral sa kanilang pagsasanay at ang kaniyang dapat sana ay pagsuko na ay nagpaalala sa kaniya na ang inaakala niyang mahirap ay isa lamang normal na gawain sa mga sundalo ng ating bansa. Ipinahayag din niya ang labis niyang paghanga at pagsaludo sa mga sundalo ng ating bayan.




error: Content is protected !!