Siya pala ang babae na nagpatibok sa puso ni Pinoy Big Brother Otso Ultimate Big Winner Yamyam Gucong!



Ang Pinoy Big Brother Otso housemate na si Yamyam Gucong ay mayroon nang napakaraming mga dahilan upang magsaya at magkaroon ng napakalaking ngiti sa kaniyang mga labi dahil sa talaga namang naging 180 degree kaagad ang pag-ikot ng kaniyang buhay ng tanghalin siya bilang Pinoy Big Brother Otso Ultimate Big Winner sa ikawalong season ng Pinoy Big Brother.



Hindi lamang dalawang milyon ang kaniyang napanalunan ditto dahil sa mayroon pa siyang napakaraming mga premyong naiuwi mula sa maraming mga isponsor ng nasabing programa. Siya ay tinaguriang “Iskulit Bai ng Bohol”.




Talaga namang napukaw niya agad ang puso ng maraming mga Pilipino dahil sa kaniyang masayang personalidad at positibong pananaw sa buhay sa loob ng bahay ni Kuya. Ito nga ay naging susi upang magkaroon ng kabuuang 59 percent na text votes si Yamyam na higit pa sa pinagsama-samang bilang ng text votes ng iba pang kabilang sa “Big Four”.




Ngunit bago pa man siya pumasok sa bahay ni Kuya ay tila isa na rin siyang grand winner dahil na rin sa ang 24 na taong Boholano native ay natagpuan na ang tunay na kaligayahan sa piling ng kaniyang non-showbiz girlfriend na nakilala bilang si Elaine.





Ayon pa kay Yamyam, naging kamangha-mangha ang kanilang unang pagkakakilala dahil sa taong 2014 matapos ng isang mapaminsalang lindo naganap ang una nilang pagtatagpo. Sa evacuation center pa diumano nagkakilala ang dalawa kung saan kinuha niya ang number ni Elaine at naging magkatext sila.


Ayon pa kay Yamyam, dalawang taon nila inilihim ang kanilang relasyon dahil sa masyado pang bata si Elaine bukod pa rito ay principal din ng isang lokal na paaralan ang ama nito. Kalaunan ay nadiskubre din ng mga magulang ni Elaine ang kanilang relasyon at inimbitahan si Yamyam sa kanilang tahanan upang personal itong makilala. Nakita din naman ng mga magulang ng kaniyang nobyo ang sinseridad nito sa kanilang anak kung kaya naman hindi na sila humadlang at binasbasan na lamang ang relasyon ng dalawa.




error: Content is protected !!