Ito pala ang napakagandang bahay ni Concert Queen Pops Fernandez!



Si Maria Cielito Lukban Fernandez o mas kilala din ng marami bilang si Pops Fernandez ay 52-taong-gulang na mang-aawit, aktres, entrepreneur, TV host at modelo na ipinanganak sa Lucban, Quezon. Isang sikat na action star noon ang kaniyang ama na si Eddie Fernandez at si Dulce Lukban naman ang kaniyang ina. Noong 1981, siya ay 16 na taong gulang lamang ng nagsimula ang kaniyang karera sa entertainment industry kung kailan siya pumirma ng kaniyang kontrata sa OctoArts Records.



Kamakailan lamang ay naging usap-usapan siya ng publiko dahil sa isa siya sa 50 panelist sa buong mundo na napabilang sa bagong reality talent show ng Amerika na “The World’s Best” ng CBS. Siya rin ang kauna-unahang Pilipina na naging isa sa mga hurado ng nasabing reality talent show sa Amerika.


Hinangaan ng marami ang isang artikulo na ito mula sa “Yes! Magazine” kung saan naitampok ang napakagandang tahanan ng Concert Queen na si Pops Fernandez. Ang kaniyang multi-lecel na modern Asian home ay matatagpuan sa Taguig City.


Tulad din naman ng ilang mga ina, ilan sa mga paborito niyang lugar sa kanilang tahanan ay ang kanilang kusina at dining area. At dahil nga siya ay isang ina na rin sa dalawa niyang mga anak, sa mga lugar na ito siya naghahanda ng mga masasarap na pagkain para sa kaniyang mga anak at sabay-sabay silang kumakaing mag-iina.


Pag-amin pa ng batikang mang-aawit, hindi naging madali para sa kaniya ang magsanay magluto noon at mag-bake ngunit dahil na rin sa kaniyang pagsusumikap ay natutunan niya rin ito. Lalo na at ang kaniyang mga anak na sina Ram at Robin ang nagsisilbing mga taga-tikim niya sa kaniyang mga lutuin. Ang pagkain nila ng sabay-sabay bilang isang mag-anak ay isa rin sa kanilang mga bonding moments at masasayang karanasan.



Ang kanilang tahanan ay mayroong sukat na 300 square meters na isang multi-level property na mayroong natural na liwanag at mga kahoy na elemento. Ang kanilang living area at dining area ay walang dibisyon o harang tulad ng ilang mga tahanan ng sikat na mga personalidad na ating nakikita. Hilig ni Pops Fernandez ang kulay pula kung kaya naman hindi kataka-taka na mapapansin agad ng kanilang bisita ang kulay na ito. Ang kaniyang kusina ay talaga namang maaliwalas at napakalinis. Talaga namang maiingganya ang sinuman na magluto o tumulong sa pagluluto.




error: Content is protected !!