Janella Salvador, masayang-masaya sa pagbabati nila ng kaniyang ina na si Janine Desiderio!



Ang pagkakaroon ng alitan o tampuhan sa loob ng isang pamilya ay talaga namang hindi maiiwasan. Kadalasan natin itong nararanasan sa loob ng ating tahanan ngunit palagi din naman natin itong nalulutas at nasosolusyunan. Tunay din naman na hindi mainam sa pakiramdam ang mayroon tayong hinanakit o sama ng loob sa kahit sino mang miyembro ng ating pamilya. Kadalasan pa ngang naaapektuhan nito ang ating pang-araw-araw na gawain o di kaya naman ay maging ang ating mood sa eskwelahan, sa opisina o maging sa ating tahanan mismo.



Kung kaya naman hindi na kataka-taka na maging labis na masaya ang aktres na si Janella Salvador dahil sa wakas ay nagkabati na sila ng kaniyang ina na si Janine Desiderio sa mga bagay na hindi nila napagkakasunduan o mga hindi pagkakaunawaan. Naging napakalaking gaan sa kaniyang dibdib ang naging pagkakaayos nilang mag-ina. At sa nakaraan ngang panayam ni Janella sa programa ng ABS-CBN na “Magandang Buhay” ay inilarawan niya ang kaniyang relasyon sa ina na sa ngayon ay mas mabuti na at mas maayos na kaysa dati.


Naging hindi pagkakaunawaan ng mag-inang Janine at Janella dati ang ilang mga isyu patungkol sa kaniyang career at sa kaniyang buhay pag-ibig. Ayon pa sa pagbabahagi ng nakababatang aktres, siya ang unang humingi ng tawad sa ina at nagulat ito ng humingi din ito ng tawag sa kaniya.



“We’ve resolved some things, we talked about things, nag-apologize ako, nag-apologize siya, pati siya and I’ve realized actually when that happened recently, naiyak talaga ako kasi hindi ko in-expect na out of nowhere na lang she apologized din for the things she did.” Paliwanag ng aktres.


Ikinuwento pa ng aktres na ang naging pag-aayos nilang mag-ina ay talaga namang nakapagpagaan ng kaniyang loob na tila mayroong mabigat na bagaheng nawala sa kaniyang dibdib. Ayon din sa kaniya, natutunan nila sa pagsubok na ito na mas maging maunawain sila sa isa’t-isa.






error: Content is protected !!