Annabelle Rama, pinuri ng marami dahil sa kaniyang ageless beauty!



Pinatunayan kamakailan lamang ni Ruffa Gutierrez na hindi naman kailangan ng espesyal na okasyo para purihin at pasalamatan ang mahal niyang ina sa lahat ng mga bagay na ginawa at ginagawa nito para sa kaniya at sa kanilang buong pamilya. Sa kaniyang Instagram account ay nagbahagi ito ng maiksi ngunit nakaantig na mensahe para sa kaniyang ina dahil sa “unfiltered” opinions nito at higit sa lahat ay sa pagpupursige nitong maging buo ang kanilang pamilya.



Ito ang naging pahayag ng dating beauty queen patungkol sa kaniyang mahal na ina,
“Mother dear @annabelleramaig always amuses or annoys me with her candor & unfiltered opinions. But the truth is, she will always be our anchor during rough waters. Love you Ma!”


Ang nasabing mensahe ay naging caption ni Gutierrez sa larawan nila ng kaniyang ina na umani naman ng napakaraming positibong komento mula sa maraming mga netizens. Isang malapit na kaibigan ni Gutierreza ang nagkomento sa larawan nilang mag-ina at sinabing “I can imagine and have witnessed your conversations with your mom. Love how real you both are.”


Isang netizen naman ang pumuri at naglarawan sa isang Annabelle Rama at nagsabing, “She is a very tough woman and a very good mother. Also, very beautiful.”
Marami ding mga tagahanga ang nakapansin na tila bumabata ang ina ni Gutierrez at tila hindi ito tumatanda kahit pa nga malapit na siyang magdiwang ng ika-67 niyang kaarawan at ilang taon pa ay hindi mo aakalain na nasa 70 anyos na ang kaniyang edad dahil sa angkin niyang kagandahan.



Maging ang ama ni Ruffa Gutierrez ay pinasalamatan din niya sa pagiging “best dad”, “best lolo”, at sa pagbibigay ng “best genes” para sa kanilang magkakapatid. Talaga namang hindi maipagkakaila na isa ang pamilya Gutierrez sa mayroong pinakamagandang mukha sa industriya ng show business. Hindi lamang sila hinahangaan sa kanilang talento ngunit maging sa kanilang pagmamahalan sa isa’t-isa bilang isang pamilya.




error: Content is protected !!