Isang guro hinangaan ng marami dahil sa “candid shot” nito na kuha ng kaniyang estudyante



Isang napakagandang adviser ang naging usap-usapan kamakailan lamang sa social media. Ito ay matapos niyang mapahanga ang maraming mga netizens dahil sa taglay niyang kagandahan. Hindi biro ang pagpasok sa eskwela kahit noon pa man. Bukod sa mahabang oras ng pag-aaral at diskusyon sa klase, sa pagbabasa ng mga libro, o sa pagsagot ng mga tanong talaga namang marami ang mapapagod na gawin ito sa araw-araw. At dahil nga sa ilang mga pagsubok na ito sa araw-araw na pagpasok ay talaga namang nakakatuwa na magkaroon ng kaunting inspirasyon.



Kagaya na lamang ng ibinahaging larawan ng isang Twitter user na nakilala bilang si Artzel Brian na agad namang nagviral online dahil tampok sa larawan na ito ang kaniyang napakagandang guro. Tunay nga na ang kagandahan ay nasa mga mata mismo ng taong nagtataglay nito ngunit ang guro na ito ay talaga namang kamangha-mangha sa kaniyang angking kagandahan.

Sinamahan pa ni Artzel ng caption ang larawan ng kaniyang guro na nagsasabing: “Flex ko lang adviser namin.” Ang hinahangaang guro ay nakilala kalaunan bilang si Binibining Amalia Cabangbang ng San Pedro College of Davao. Isang taon na rin siyang nagtuturo ng Sociology at Political Science. Umani naman ito ng samu’t-saring mga komento mula sa mga netizen. Mayroong ilang nagkomento na tiyak na wala namang lalaking mag-aaral ang liliban pa sa klase dahil sa napakaganda nilang guro.
Marami din ang nakapansin sa pagkakahawig ng guro sa itinanghal na Miss Universe 2018 na si Catrional Gray. Mayroon ding ilang estudyante na nagpahayag ng kanilang pagmamahal sa kanilang guro at sinabing napakabait nito at maunawain sa kaniyang mga estudyante. Kapansin-pansin din naman ang magandang kulay ng kaniyang mga kuko. Sa kasalukuyan ay mayroon nang 66,000 na mga likes ang viral na larawan.



Hindi naman inakala ng guro na magkakaroon siya ng ganitong karanasan at makikilala ng marami dahil sa ginawang pagpuri sa kaniya ng kaniyang estudyante. Ayon pa sa guro, matagal din siyang hindi nakagamit ng social media kung kaya naman laking gulat niya sa dami ng kaniyang mga notifications. Maging ang kaniyang mga magulang ay nagalak sa pagmamahal sa kaniya ng kaniyang mga estudyante at laking pasasalamat din ng guro sa kanilang pagsuporta sa kaniyang napiling larangan.





error: Content is protected !!