Isang janitor sa NAIA, nagsauli ng isang bag na may laman na P425,000!



Mayroon na ngang iba’t-ibang mga balita patungkol sa mga taong nagtatrabaho sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA. Mayroong ilang mga insidente na ang isang empleyado dito ay kumuha o nang-umit ng isang bagay na hindi naman niya pag-aari mula sa ilang pasahero para lamang sa pangsarili nilang pagnanais. Ngunit bukod pa sa mga nakakalungkot na pangyayaring ito ay mayroon din namang ilang mga kahanga-hangang kwento tulad na lamang ng sa isang janitor na ito. Dahil labis siyang hinangaan ng publiko dahil sa pagbabalik niya sa may-ari ng isang bag na punong-puno ng mga iba’t-ibang “foreign currencies” na nagkakahalaga ng hindi baba sa P425,000!



Siya ay nakilala bilang si Sixto O. Brillantes, Jr. ang duty noon ni Brillantes ay sa panglalaki na banyo ng NAIA terminal malapit sa Immigration Area nang mayroong isang pasahero na tumawag sa kaniya upang isauli ang nakita nitong itim na sling bag na naiwan sa loob ng banyo. Batid naman agad ni Brillantes ang gagawin niya sa nasabing sling bag. Hindi ito para itago kundi nagpasama siya sa empleyado na nakatalaga sa pangbabae na banyo sa NAIA terminal at magkasama silang pumunta sa PA system upang maanunsiyo ang nawawalang bag. Umaasa sila na kung sino man ang nakaiwan ng nasabing bag ay maaari na loob pa ito ng paliparan.


Matapos nito ay nagtungo na sila kaagad sa “Lost and Found Section of the Intelligence and Investigation Division of the Manila International Airport Authority o MIAA upang maisauli ang bag. Bilang saksi si Brillantes, binuksan ng airport security ang naturang bag at tiningnan ang laman nito. Bukod sa pitaka at iPad, mayroon ding dalawang puting envelope ang bag na mayroong laman na halagang EUR7,300 o hindi baba sa P425,000!


Talaga namang hinangaan ng husto ang janitor na maaari na sanang sarilinin na lamang ang natagpuang malaking halaga ng salapi ngunit mas minabuti pa rin niya na isauli ito sa tunay na nagmamay-ari nito. Makalipas naman ang isa at kalahating oras ay isang Turkish national ang nagtungo sa “Lost and Found” section at napatunayang siya nga ang nagmamay-ari ng bag dahil na rin sa mga “identification cards” na nasa loob nito.





error: Content is protected !!