Sugar Mercado, nananatiling single dahil nadala na kinahinatnan ng una niyang naging relasyon!



Kamakailan lamang ay ikinagulat ng publiko na single na single pa rin ang dating host ng Wowowin na si Sugar Mercado. Ito ay dahil diumano sa kaniyang naging karanasan sa mga kamay ng dati niyang mister na si Kristofer Jay Go kung kaya naman sa ngayon ay ayaw pa niya talagang pumasok sa isang relasyon.


Sa isang eksklusibong panayam ng “PUSH” sa 32 taong gulang na host, ibinahagi niya ang kaniyang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sumusubok na magkaroon ng bagong karelasyon sa kabila nang halos tatlong taon nang pagpapawalang-bisa o pagkaka-annull ng kaniyang kasal sa dating mister.



Ngunit hindi rin naman niya sinasarado ang kaniyang pinto dahil sa kung mayroon mang magmamahal sa kaniya at tatanggap sa kaniyang mga anak pagdating ng panahon ay hindi rin naman niya ito hahadlangan.


Matatandaan na nagsampa ng kaso noon si Mercado sa kaniyang mister dahil sa pang-aabuso nito sa kaniya, ngunit hindi na rin naman niya ito itinutuloy at nakipag-ayos na lamang ng maayos. Dagdag pa ni Mercado, hindi rin naman siya nagmamadaling pumasok muli sa bagong relasyon dahil sa ngayon ay mga anak lamang niya ang kaniyang prayoridad. Sa ngayon ay kuntento na ang dating host na maalagaan muna at mabigyan ng atensyon ang kaniyang mga anak na apat at anim na taong gulang na.



Nang kamustahin naman ang relasyon niya sa dati niyang mister ay sinabi naman nito na maayos lang sila, okay naman sila. Marami siyang pinagdaanan ngunit dahil na rin sa paglipas ng panahon at sa panalangin ay unti-unting naghihilom ang mga naging masasakit niyang karanasan. Bagamat masakit ang kaniyang pinagdaanan noon sa kamay ng kaniyang mister ay hindi pa rin niya sinasarado ang kaniyang pintuan na maaaring mayroon ding magmahal sa kaniya ng tunay at kasama na rin doon ang pagpapahalaga at pagmamahal nito sa kaniyang dalawang mga anak.




error: Content is protected !!