Baby Ziggy at Ate Zia, kinagigiliwan ngayon ng mga netizen dahil sa napakacute nilang mga larawan!



Hindi na nga maipagkakaila na ang pamilya Dantes na nga ang isa sa pinakahahangaang pamilya sa industriya ng show business ngayon. Hindi lamang sa magagandang aral na kanilang itinuturo sa kanilang mga anak na nagiging inspirasyon din sa maraming pang mga magulang.



Kamakailan nga lamang ay pinagkaguluhan ng maraming ng mga artista at iba pang mga personalidad ang larawan ng apat na buwang gulang na bunsong anak ng Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera-Dantes.


Talaga namang guwapong-gwapo si Baby Ziggy habang komportableng nakaupo sa isang puting unan at nakausot ng isang puting romper. Ito ay sinamahan ni Mommy Marian ng caption na “Maligayang ika-apat na buwan, anak!” Umani ito ng napakaraming mga positibong komento at reaksyon mula sa mga followers, mga kaibigan at pamilya ng Dantes Squad. Sa ngayon ay mayroon nang 660,000 likes ang larawan ni Baby Ziggy na talaga namang kinagigiliwan ngayon ng publiko.


Ito ang ilan sa mga komento nila:
“Grabe! So pogi!”, ayon kay Iya V. “So much perfection and cuteness!”, pahayag naman ni Nina C. “Future heartthrob!” komento ng isang tagahanga habang ito naman ang nasambit ng Kapamilya host at comedian na si Vhong Navarro, “Verified gwaping!”



At bukod kay Baby Ziggy ay talaga namang umani rin ng napakaraming papuri ang nakakatanda nitong kapatid na si Ate Zia. Kinagiliwan din ang kaniyang larawan habang nakasuot ng isang “Joho Siwa Bow” at naka-high ponytail pa. Tinawag siya ni Mommy Marian bilang “Jojo Zia” at ngayon ay mayroon nang 300,000 likes at comments ang picture ng napakagandang si Ate Zia.



Ito ang naging komento ng dating aktres na si Nadine Samonte, “Beautiful Zia”., Habang ito naman ang naging komento ng aktres na si Dennis Laurel, “Super beautiful.”, Ayon naman sa beteranang aktres na si Rita Avila, “Grabe yan, you all make me smile whenever you post.”, Si Zia ay isa sa mga tinanghal na “most beautiful children of Asian celebrities” ayon sa popular na Vietnamese website na “Kenh14”.




error: Content is protected !!