Isang babae ang sinabihan ng isang Uber driver na ipa-bleach ang kaniyang kutis lingid sa kaalaman nito na isa pala siyang propesyonal na modelo!



Gumagawa ng pangalan ngayon si Nyakim Gatwech sa fashion industry dahil sa pagsasalarawan niya mismo ng tunay na kagandahan. Siya ay tinagurian ng marami bilang “Queen of the Dark” ngunit sa halip na sumama ang loob at mawalan ng pag-asa sa kaniyang hitsura ay naging dahilan pa nga ito upang magsumikap siya ng husto sa kaniyang napiling larangan.



Siya noon ay nasa sinapupunan pa lamang ng kaniyang mahal na ina nang sila ay nagtungo sa South Sudan. Siya ay isinilang sa Ethiopia. Ang kaniyang pamilya ay isa sa mga pamilyang nabigyan ng panibagong pagkakataon upang magkaroon ng bagong tahanan sa Amerika. Bilang isang bata, siya ay lumaki nang nangtitiis sa pangungutya ng maraming mga tao dahil sa kulay ng kaniyang balat.


Dahil na rin sa ganoong karanasan ay ninais ng kaniyang kapatid noon na i-bleach ang kaniyang itim na kutis ngunit natutunan ni Nyakim na yakapin at mahalin ang kung anong katangian ang mayroon siya. Hindi rin nagkulang ang kaniyang ina sa pagpapaalala sa kaniya na hindi niya dapat ikahiya ang kaniyang natural na kulay kahit pa nga madalas siyang pinagtatawanan ng maraming mga tao dahil sa naiiba niyang kulay.


At dahil na rin sa suporta at pagmamahal ng ina at ng kaniyang pamilya ay natanggap na niya ng buong puso ang kaniyang kulay at kalaunan ay naging adbokasiya na niya ito.



Isang araw ay pinayuhan siya ng isang Uber driver na dapat sana ay gumamit siya ng bleach noong bata pa siya upang kahit papano ay pumuti siya ngunit sa halip na magalit ay tinawanan niya lamang ito at sinabi sa driver na hindi niya lubos na mapaniwalaan ang ganitong uri ng mga tanong dahil sa hindi alam ng driver kung ano ang kaniyang nakamit sa pagkakaroon ng ganitong kulay ng balat.




error: Content is protected !!