Kilalanin ang mapagmahal na misis ni Mayor Isko Moreno na si Diana Lynn Ditan



Si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ay patuloy nga na gumagawa ng ingay ngayon sa buong Maynila at maging sa buong Pilipinas dahil sa buong puso niyang paglilingkod sa Maynila. Hindi nga lingid sa kaalaman ng marami na isinusulong niya ang kaayusan at pagiging matagumpay ng kaniyang nasasakupan.



Sa katunayan, sa maikling panahon na naupo siya sa pwesto matapos ang panunungkulan ng dating alkalde na si Joseph “Erap” Estrada ay naging kapansin-pansin ang maraming mga bagay na kaniyang nagawa sa kaMaynilaan at marami pang mga Pilipino ang nangangarap na sana ay mayroon din silang opisyal ng bayan na kasing-sipag ni Mayor Isko.


Tunay ngang marami ang naniniwala na “behind every great man, there’s a woman”. Tulad na lamang ng ni Mayor Isko Moreno na ikinasal sa kaniyang butihin at mapagmaha na asawa na si Diana Lynn Ditan sa halos dalawang dekada na ngayon.


Bukod sa matagumpay niyang pagpasok sa pulitika, at sa kaniyang dating pagsabak sa industriya ng show business ay hinahangaan din ang alkalde dahil sa kaniyang malaking pamilya. Bagamat hindi parte ng pulitika o show business ang kaniyang misis ay talaga namang ipinagmamalaki niyang mayroon siyang napakaganda at butihing maybahay.


Taong 2000 nang ikasal sina Mayor Isko at misis nito na si Diana. Biniyayaan sila ng limang mga anak sina Vincent Patrick, Frances Diane, Joaquin Andre, Franco Dylan, at Drake Marcus. Ayon sa isang panayam sa 44-taong gulang na alkalde sa “Ces and the City” ang kaniyang misis ay isang businesswoman at nais nitong mamuhay lamang ng simple at tahimik kung kaya hindi ito madalas makitang kasama niya sa publiko. Ngunit kamakailan lamang ay nasorpresa ang marami ng makita ang misis ni Mayor Isko sa isang FB live habang nag-aanunsyo ng suspensyon ng klase ang alkalde. Marami ang kinilig dahil sa pagiging malambing ni Mayor Isko at ng kaniyang misis sa isa’t-isa.






error: Content is protected !!