Manny Pacquiao nagpamigay ng P1,000 at P500 sa kaniyang mga kababayan!



Tayong mga Pilipino ay likas na mabubuting tao at matulungin sa ating kapwa. Hindi maipagkakaila na nakasanayan na nating tumulong sa ating kapwa, Pilipino man o dayuhan. Kahit pa nga hindi tayo masyadong nakakaluwag-luwag, ibabahagi pa rin natin sa mas nangangailangan ang kakaunting mayroon tayo. Kung kaya naman maraming humahanga sa atin na ibang mga dayuhan. Maraming mga Pilipino ang likas na matulungin at may mabuting puso.



Kagaya na lamang ng boxing legend na si Senador Manny Pacquiao. Kamakailan lamang ay ibinahagi ng isang David Sisson ang video ng fighting senator habang namamahagi ng tig-isang libong piso at limang daang piso. Ang nasabing viral na video ay ibinahagi online nito lamang ika-17 ng Agosto bandang alas-diyes ng umaga na mayroong caption na “The People’s Champ Manny Pacquiao”.


Umani ito ng maraming mga papuri at komento mula sa mga netizens. Hindi naman lingid sa ating kaalaman na galing din sa mahirap na pamumuhay noon si Manny “Pacman” Pacquiao kasama ng kaniyang buong pamilya. Ngunit nagpursige siya at nagsumikap upang maging matagumpay sa buhay. At ngayon nga ay isa na siya sa pinakamatagumpay na Pilipino hindi lamang sa buong Pilipinas kundi maging sa buong mundo.


Ikinatuwa ng publiko ang pagtulong na ito ni Pacman sa kaniyang mahihirap na kababayan. Maaaring maliit na mahalaga sa iilan ang isang libong piso at limang daang piso ngunit malaki na ang magagawa nito para sa mga taong hirap sa buhay katulad na lamang ng ilan niyang mga mahihirap na kababayan. Tiyak na ilang kilong bigas at ulam din ang maaari nilang mabili sa halagang ibinahahi ni Senador Manny Pacquiao.


Si Emmanuel Dapidran Pacquiao o mas kilala din ng marami bilang si Manny Pacquiao ay 40 taong gulang na pulitiko at propesyonal na boksingero mula sa Kibawe. Siya ay tinagurian din ng ilang mga boxing historian bilang “greatest professional boxers of all time”. Mayo 10, 2000 nang ikinasal siya sa kaniyang misis na si Jinkee Jamora at biniyayaan sila ng limang mga anak sina: Emmanuel Jr. (Jimuel), Michael Stephen, Mary Divine Grace (Princess), Queen Elizabeth (Queenie) at Israel.






error: Content is protected !!