Categories: NewsShowbizViral

Lucho Agoncillo tinagurian bilang susunod na “heartrob”, narito ang naging pahayag ng ina na si Juday!

Bilang isang ina sa kaniyang tatlo niyang mga anak, walang pagsidlan ng kagalakan ang aktres na si Judy Ann Santos para sa kaniyang mga anak na sina Yohan, Lucho, at Luna. At talaga namang ilan lamang sila sa pinaka-hinahangaang anak ng mga artista sa panahon ngayon. Tunay nga na maging ang social media community ay napahanga na nina Yohan, Lucho, at Luna. Bukod kasi sa anak sila nina Ryan at Judy Ann Santos-Agoncillo, mayroon din silang mga personalidad na talaga namang hahangaan at mamahalin ng kahit sino mang tao.

Ibinahagi ng “Queen of Teleserye” kung gaano siya kaligaya at kung gaano niya ipinagmamalaki ang kaniyang mga anak kasama na ang mister na si Ryan Agoncillo. Dahil sa kung ano man sila ngayon ay dahil iyon sa paggabay ng kanilang mga mahal na magulang.

Marahil, ang kaisipan ng publiko ay hindi madaling maging magulang ang mg artista katulad nina Ryan ay Juday ngunit para sa mag-asawa ay ginawa nila ang lahat upang lumaki ng normal at masaya ang kanilang mga anak kung kaya naman hindi na nakapagtataka na lumaking mabubuting mga bata ang kanilang mga anak.


Sa kasalukuyan nga ay tinaguriang susunod na heartrob ang kaniyang unico hijo na si Lucho. Dahil sa murang edad ay mahusay na itong maglaro ng football kung kaya naman marami ang labis na humahanga sa kaniya.

Labis namang nagpasalamat si Juday sa paghanga na ito sa kaniyang anak ngunit sa ngayon ay hindi pa ito ang nasa isipan ng ina. Ayon pa kay Juday, sports-minded ang anak niyang si Lucho at talagang disiplinado ang kaniyang anak sa mga pagsasanay niya sa napili nitong sports kung kaya naman sinusuportahan nila ito ng husto ng kaniyang mister. Tinanong din naman si Juday kung papayagan ba niya ang mga anak na pumasok sa industriya ng show business, naging maikli naman ang sagot ng beteranang aktres dito dahil para sa kaniya hindi ito magiging problema basta’t makakapagtapos na muna sila sa kanilang pag-aaral.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago