Mamahaling kumot ng aso ni Heart Evangelista, usap-usapan ngayon ng publiko!



Umani ng sari-saring mga komento at reaksyon ang ibinahaging larawan ni Heart Evangelista sa kaniyang social media account. Sa nasabing larawan ay kasama niya ang kaniyang alagang aso habang sila ay nakakumot ng mamahalin. Hindi pinalagpas ng maraming mga netizens ang post na ito ng Kapuso star.



Umani ito ng hindi mabilang na komento mula sa publiko. Mayroong mga netizen ang tila nainggit sa aso ni Heart dahil sa mamahalin pa ang kumot nito. Ang pinost na larawan ni Heart kasama ang kaniyang mahal na aso na si Panda ay mayroong caption na: “My ever so loyal photoshoot companion.”

Talaga namang namangha ang publiko dahil sa “Hermes” na tatak ng kumot ng aso. Isa naman sa mga netizen na nakakita sa Hermes na kumot na ito ay nag-research kung magkano ang halaga o ang presyo ng nasabing kumot. Ang kumot pala ng aso ni Heart na si Panda na Hermes Avalon Baby Blanket ay nagkakahalaga ng mahigit sa P50,000.




Sadyang napakaraming mga tagahanga at tagasuporta ng aktres ang namangha sa kumot na ito ng kaniyang alagang Aspin o Asong Pinoy ngunit mayroon din namang mga tao na nainis sa larawan na ito ng aktres at ng kaniyang aso. Isang netizen ang nagsabi na ang halaga ng kumot ng aso ay maaari nang makapagbigay ng higit na mas maraming kumot sa mga mahihirap.


At kung gagawin niya ito ay tiyak na marami siyang matutulungan. Ipinagtanggol naman siya ng kaniyang tagasuporta at sinabing pera naman ng aktres ang kaniyang ginamit na pangbili ng mamahaling kumot kung kaya hindi na dapat pa magsalita ng ganoon ang ibang mga netizen dahil sa pinaghirapan niya din naman ang kaniyang pera at may karapatan siyang bumili ng mga bagay na gusto niyang bilhin.

Tunay ngang nakakamanghang makakita ng mga ganitong larawan mula sa mga paborito nating artista. Ngunit hindi rin naman natin dapat ipagsawalang-bahala ang maaari nilang maramdaman lalo na kung hindi din naman maganda ang komentong ilalagay natin sa kanilang mga larawan. Marapat lamang na mas maging maunawain tayo at mapagmahal sa bawat isa.




error: Content is protected !!