Pagiging guwapo, maaaring makasama sa iyong trabaho ayon sa ilang eksperto!



Ayon sa ilang mga eskperto, ang pagiging masyadong gwapo ay maaaring maging “disadvantage” sa mga kalalakihan pagdating sa kanilang trabaho o career. Marahil ay inaakala ng marami sa atin na kapag ikaw ay magandang lalaki o di kaya naman ay gwapo ay mas magiging madali na sa iyo ang buhay ngunit ito pala ay isang pagkakamali ng marami sa atin.



Maaaring nakakagulat ito para sa atin ngunit sabi nga nila hindi naman lahat ay makukuha ng isang tao. Ayon sa isang pag-aaral ang mga empleyadong guwapo o magagandang lalaki ay itinuturing ng kanilang mga boss bilang balakid o isang banta para sa kanila. Kung kaya naman kadalasan ay hindi sila nabibigyan ng mga mahahalagang papel sa kompanya upang maibahagi o maipakita ang kanilang abilidad at talent.


Ang nasabing pag-aaral ay isinagawa ng mga eksperto sa University of College London’s School of Management at sa University of Maryland sa Estados Unidos. Naglunsad sila ng magkahiwalay na eksperimento na ipa-publish sa “Organizational Behavior and Human Decision Processes” journal. Ayon sa nasabing pag-aaral ang mga kalalakihan na kinakailangang mag-hire ng iba pang mga kalalakihan upang magtrabaho sa kanila ay kadalasang binabase nila sa hitsura at sa klase ng trabaho na kanilang pinapasukan. Kung ito ay isang malaking bagay sa mga kalalakihan, sa mga kababaihan naman ay hindi ito isang malaking usapin dahil sa hindi naman itinuturing na hadlang para sa maraming mga kababaihan.


Ayon kay Sun Young Lee, lead researcher at assistant professor ng Maryland University ay binigyang-diin na karamihan sa mga manager ay naaapektuhan sa pagtanggap ng mga aplikante lalo na mas iniisip din ng maraming mga manager ang kanilang sariling interes at upang hindi rin makuha ng kanilang kompanya ang pinakamainam na aplikante. Dahil dito nagbigay ng suhestiyon si Lee para sa mga kompanya na magkaroon ng sarili nilang “neutral recruitment company” upang gawin ang pagtanggap ng mga aplikante.





error: Content is protected !!