Pinay maid nagpaalam sa pamilyang kaniyang pinaglingkuran sa loob ng 29 taon sa Dubai!



Maraming mga Overseas Filipino Workers o OFWs ang nakakaranas ng hindi magagandang karanasan sa kanilang mga amo lalo na ang ilang mga kababayan nating “domestic helper” na ngatatrabaho sa Middle East. Ngunit sa kabila nito ay mayroon pa din namang ilang mga Pilipino ang nagkakaroon ng maayos na ugnayan sa kanilang mga amo na itinuturing din sila bilang bahagi ng kanilang pamilya at hindi basta isang kasambahay lamang.



Kagaya na lamang ni Aurelia Villarta na nagtrabaho sa pamilya Tattarakis sa Dubai ng dalawampu’t siyam na taon. Talaga namang pinalad siyang magkaroon ng mabuting mga amo sa dayuhang bansa na ang turing sa kaniya ay isang kapamilya. At dahil nga 71 taong gulang na siya ay minabuti na niyang magretiro at lisanin ang pamilyang naging bahaging kaniyang buhay sa halos 30 taon.


Taong 1991 ng siya ay maging kasambahay ng pamilyang kaniyang minahal at pinagsilbihan. Nang mga panahon na iyon, ang pinakabata sa pamilya ay isang buwang gulang na sanggol na si Chris Tattarakis at ang kaniyang nakatatandang kuya na si Jean Michael na noon ay tatlong taong gulang pa lamang. Ang dalawang mga bata na ito ay isang ina na ang turing sa kaniya at talaga namang masaya sila na mayroon silang dalawang mga ina. At nang lumaki nga sila ay ipinapakilala na siya ng dalawang alaga niya bilang ikalawa nilang nanay sa kanilang mga kakilala at kaibigan.
Walang anak si Aling Aurelia kung kaya naman mga anak na ang turing nito sa kaniyang mga alaga. Ibinahagi naman ni Chris na labis silang nagpapasalamat na mayroon silang dalawang mga ina at isang ama habang sila ay lumalaki sa Dubai kung kaya naman natuto silang maging masipag, mapagpakumbaba, at mabuting tao. Ayon din naman kay Diana, ina nina Chris at Jean Michael, naging napakalaking tulong ni Aurelia dahil sa nagawa niyang magpokus sa kaniyang career dahil alam niyang hindi nito pababayaan ang kaniyang mga anak.


At dahil na rin sa 29 taong pamamalagi ni Aurelia sa kanilang pamilya ay napagtapos nito ang kaniyang walong mga pamangkin sa kolehiyo. Inamin din nito na labis niyang mamimiss ang kaniyang mga anak-anakan sa Dubai. At ngayon nga na babalik na siya sa Pilipinas ay binabalak niyang magtayo ng maliit na gardening business upang kahit papaano ay malibang naman siya.






error: Content is protected !!