Sharon Cuneta ibinahagi sa publiko kung paano niya ipinaliwanag sa anak na si Miguel na siya ay isang ampon
Ang Megastar Sharon Cuneta at ang kaniyang mister na si Senador Francis “Kiko” Pangilinan ay inampon ang kanilang anak na si Miguel isang araw matapos ang kaniyang kapanganakan. Ngunit hindi rin naman inilihim ng mag-asawa sa kanilang siyam na taong gulang na anak na siya ay ampon. Sa pinakalatest na vlog ni Megastar Sharon Cuneta, nagbahagi siya ng kaniyang saloobin at mga pahayag sa sensitibong paksa na pag-ampon. Tunay ngang naging napakapalad niyang ina ng ampunin nila ang kaniyang unico hijo na si Miguel.
Ibinahagi ng beteranang aktres at mang-aawit na sii Sharon sa kaniyang ibinahaging video noong Hulyo 18 kung paano niya sinabi ang katotohanan sa kaniyang anak na si Miguel sa mura nitong edad. Ayon na rin sa video, na isa sa mga unang video ng Megastar para sa Q & A installment niya para sa kaniyang mga tagahanga at tagasubaybay sa kaniyang YouTube channel, nagsimula siyang mamili ng isang paksa upang pag-usapan at yun nga ang “adoption” o ang pag-aampon.
Ang kaniyang YouTube video ay pinamagatan niyang: “My thoughts on adoption. Is it better to tell your child early on or later?” Ang sender ng tanong na iyon ay humingi ng payo kung mas mainam na sabihin sa kanilang anak na siya ay isang ampon sa murang edad o hihintayin muna na mas lumaki pa sila ng kaunti.
Nagdesisyon sina Sharon at mister nitong si Sen. Kiko na sabihin na sa kanilang anak na si Miguel habang bata pa ito upang wala nang tanong pa habang lumalaki ito at sa paglipas nga ng panahon ay alam ng kanilang anak na si Miguel na isa siyang espesyal na bata. Ibinahagi din naman niya na mayroon siyang isang kaibigan na nag-ampon din at minabuti nitong sabihin sa kanilang anak na siya ay ampon ng malaki na ito at nang kaniyang malaman ay talaga namang iba ang kaniyang naging reaksyon.
Sumama ang loob ng bata dahil sa hindi agad sa kaniya sinabi ang katotohanan. Samantalang ang isa naman niyang kaibigan ay sinabi ng maaga at talaga namang naging mapagpasalamat ang batang ito.