Team Kramer masayang-masaya sa kanilang quality time na walang gamit na mga gadgets!



Paano nga ba tayo bilang mga magulang sa ating mga anak? Aminin man natin o hindi mayroong mga magulang na masyadong abala sa maraming bagay kung kaya naman hahayaan na lamang nila ang kanilang mga anak na lumabas ng tahanan at maglaro sa kalsada o sa kapitbahay, o di kaya naman ay magbabad sa selpown o sa ibang mga gadget upang hindi sila maging distraksyon sa anumang inaasikaso o ginagawa na mga magulang.



Mayroon ding mga magulang na mas nanaisin na makipaglaro mismo sa kanilang mga anak upang maiwasan ng kanilang mga anak ang labis na paggamit ng mga gadget na tunay nga namang walang magandang maidudulot sa kanilang katawan at kalusugan.

Kagaya na lamang ng mag-asawang Doug at Chesca Kramer na mas nais maturuan ang kanilang mga anak na hindi dumipende at masanay sa paggamit ng mga selpown at gadget sa halip ay mas magkaroon sila ng panahon na makipaglaro sa isa’t-isa, magbasa ng mga libro, o di kaya naman ay maglaro ng iba pang mga maaaring laruin bukod sa mga gadget.




Kamakailan nga lamang ay nagbahagi si Chesca Kramer ng isang post sa social media na talaga namang hinangaan ng publiko. Narito ang pahayag ng dating aktres: “One of the main reasons we moved. To enjoy the outdoors and have mini adventures with the kids! We stumbled upon a end and a totally abandoned road! Super love this! Away from gadgets and enjoying nature! Just like how I remember our childhood! So blessed!” Ikinatuwa naman ng maraming mga netizens ang ibinahaging ito ng pamilya Kramer.


Umani din ito ng maraming mga komento at reaksyon mula sa publiko. Ikinagalak ng marami ang bonding time ng pamilya na walang ginagamit na mga gadget. Tunay ngang hindi lahat ng mga kabataan sa ngayon ay nakakaranas ng ganitong uri ng karanasan.




error: Content is protected !!