Dennis Padilla nagsalita na patungkol sa mabigat na kontrobersiyang hinaharap ng kaniyang anak na si Julia Barretto



Nagsalita na nga ang ama ng Kapamilya actress na si Julia Barretto patungkol sa mga intrigang kaniyang kinahaharap sa mga nagdaang buwan. Maaalala na inaakusan si Julia Barretto bilang “third party” sa hiwalayang Bea Alonzo at Gerald Anderson. Ibinahagi naman ng komedyante at aktor na si Dennis Padilla ang kaniyang naging mga payo sa kaniyang anak na si Julia.



Mayroong mga larawang kumalat ang aktres na si na si Julia Barretto kasama ang aktor na si Gerald Anderson na naging dahilan upang magkaroon ng espekulasyon ang publiko na mayroong namamagitan sa dalawa. Dahil dito ay umani ng sari-saring mga komento at reaksyon ang aktres na si Julia dahil sa diumano ay “secret affair” nito sa nobyo noon ng aktres na si Bea Alonzo na si Gerald Anderson.


Hanggang sa ngayon ay mainit pa ang usapin na ito lalo na sa social media. Lalo pa itong tumindi ng pinangalanan mismo ni Julia si Bea sa kaniyang mapangahas na pahayag sa kaniyang social media posts na hindi pa sinasagot ng huli hanggang sa kasalukuyan.


Pinayuhan naman ng kaniyang ama si Julia na iwasan muna ang social media at mas mabuting magbakasyon muna at magpahinga.  “Ang sabi ko sa kanya, ‘wag ka na muna mag-social media. Pahinga ka muna. Mas maganda, magbakasyon ka na muna,” he quipped. “Sabi ko nga sa kanya, kung wala pa naman siyang shooting or hindi naman siya gaanong busy, lumayo ka na muna sa social media. Antayin mo na munang mag-d!e down ‘yung issue.” Ito ang naging pahayag ng amang si Dennis Padilla sa kaniyang anak.


Tunay ngang naging maugong na usap-usapan sa social media ang intriga na ito patungkol sa pagtataksil at panloloko. Naging patok ito sa maraming mga Pilipino dahil sa marami din sa atin ang nakakaranas ng panloloko at pagtataksil ng ating mga minamahal sa buhay. Bagamat hinahangaan silang mga personalidad sa industriya ng show business ay hindi naman ito nangangahulugan na hindi na rin sila makakaranas pa ng ganitong uri ng mga kabiguan. Marapat lamang na mabigyan din sila ng pagkakataon na maayos ang lahat, sa tamang panahon, at kung handa ang bawat isa na magpatawad sa maling nagawa at magpatawad sa tao na nakasakit sa kanilang damdamin.






error: Content is protected !!