Lolang pulubi, tumanggi sa ilang tulong ni Raffy Tulfo para sa kaniya: umani ng maraming komento mula sa publiko!



Umani ng paghanga at maraming papuri ang lola na ito mula sa Silang, Cavite na isang pulubi. Siya ay ang 87 taong gulang na si Norma Allianza Corpus. Nagtungo siya sa TV5 upang makita ang kaniyang iniidolo na si Raffy Tulfo at masambit nito ang munti niyang hiling na cellphone na mayroong telebisyon.



Kung madalas ay nakakasaksi tayo ng mga tao na labis labis humiling at manghingi ng mga materyal na bagay, iba naman ang lola na ito na kuntento na sa mga simpleng bagay. Sa halip na humiling ng maraming mga materyal na bagay o di kaya naman ay malaking halaga ng salapi, nakuntento na lamang si Aling Norma sa halagang 100 piso na pamasahe niya pauwi sa kaniyang mumunting tahanan.


Kahit pa nga inalok siya ng kaniyang iniidolo na si Raffy Tulfo ng isang maliit na tindahan upang hindi na siya mamamalimos pa ay mas minabuti na lamang niyang tanggihan ito dahil sa pagod na siyang magtinda at nauuwi lamang ito kadalasan sa utang. Ipilit man ng popular na mamamahayg na bigyan ng malaking halaga ng salapi ang matanda upang hindi na ito mahirapan pang mamalimos ngunit hindi niya ito tinatanggap dahil sa maaari pa siyang mahold-up kung mayroon siyang ganoong halaga ng salapi sa kaniyang pitaka.


Maging ang bigas na nais ihandog ni Raffy Tulfo ay hindi pa rin nito tinanggap dahil sa hindi na diumano siya nagsasaing o nagluluto pa. Ang kaniyang madalas kainin o bilhin sa 200 halaga ng salapi na napagpapalimusan niya sa bangketa ay ibinibili na lamang niya ng mga prutas. Ninais din ni Raffy na dalhan siya ng mga pagkain o di kaya naman prutas sa kaniyang tahanan araw-araw ngunit hindi ito sumang-ayon dahil sa mabubulok lamang diumano ang mga ito. Ikinagulat din ng marami na napag-ipunan na pala niya ang kaniyang paglilibingan sa isang sementeryo.


Source: Raffy Tulfo






error: Content is protected !!