Mister ni Beauty Gonzalez na si Norman Crisologo at mga nakakakilig nilang mga larawan, usap-usapan ng publiko ngayon!



Ang Kadenang Ginto star na si Beauty Gonzalez ay 15 taong mas bata sa kaniyang art curator na mister na si Norman Crisologo. Ngunit kahit pa nga sabihin nating “age doesn’t matter” pagdating sa pag-iibigan, hindi maipagkakaila na mayroon pa rin talagang mga tao na hindi matanggap ang ganitong uri ng pagmamahalan at kung anu-anong panget na komento pa ang pinangangalandakan sa social media lalo na sa isang sikat na personalidad kagaya ni Beauty.

Kagaya na lamang ng ilang mga tao na sinasabing kabilang sa “May-December love affair”, ang mag-asawang Beauty at Norman ay malimit nang nakakatanggap ng mga negatibong komento at reaksyon mula sa ibang tao dahil na rin sa kontrobersiyal na 15 taon na agwat.


Nagbahagi ang mag-asawa ng ilang mga detalye patungkol sa kanilang relasyon sa isang sikat na campaign para sa isang brand ng toothpaste. Ibinahagi nila kung paano nagsimula ang kanilang pagmamahalan, ang mga pagsubok na kanilang pinagdaanan at mga hindi malilimutang alaala na kanilang pinagsaluhan.



Isiniwalat din nila ang ilan sa mga masasakit na salitang ibinato sa kanila ng ibang tao kagaya na lamang ng “gold digger” at “D.O.M.”. dahil na rin sa malaking agwat ng kanilang mga edad sa isa’t-isa. Ngunit ang lahat ng ito ay hindi naging hadlang upang ipaglaban nila ang kanilang pag-iibigan.


Pag-amin naman ni Norman, talagang nabighani siya sa angking kagandahan ni Beauty nang makita niya ito sa isang magazine cover kung kaya naman agad niyang tinanong ang kaniyang mga kaibigan sa showbiz para sa contact number ng aktres at dito nga ay niyaya niya itong makipag-date.

Nasorpresa naman ang marami nang ibinahagi ni Ellen Adarna sa isang Instagram post na siya ang nagpakilala sa isa’t-isa at siya rin ang tumayong kupido sa kanilang dalawa. Nagbahagi naman ng ilang litrato ang mag-asawa na nagpakilig sa publiko dahil nakakaantig na mga salitang binitawan nila para sa isa’t-isa. Umani ng napakaraming komento at reaksyon ang kanilang mga larawan sa social media.

Marami ang namangha sa kanilang pag-iibigan at nagsilbi ring inspirasyon ang mag-asawa sa maraming mga Pilipino. Tunay ngang masayang-masaya na sila ngayon dahil biniyayaan na din sila ng munting anghel na talaga namang sumisimbolo sa kanilang tunay at wagas na pagmamahalan.




error: Content is protected !!