“Hindi ka palaging maganda sa paningin niya”, pahayag ni Kristine Hermosa patungkol sa kaniyang buhay may-asawa!

Kamakailan lamang ay nagpahayag ang isa sa pinakamagandang mukha sa industriya ng show business, nagkwento ang mahusay na aktres sa kaniyang buhay may-asawa at sa katotohanang hindi naman palagi maganda o gwapo ang tingin sa atin ng ating mga asawa o kapareha.

Ngunit ang isa sa pinakamahalagang bagay sa isang pagsasama o relasyon ay ang pagiging sentro ng Diyos sa inyong samahan. Ang mag-asawang Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto ay walong taon nang kasal at biniyayan sila ng apat na mga anak. Dahil nga sa lumalaki nilang pamilya ay mas minabuti na ni Kristine na iwanan na muna ang mundo ng showbiz upang mas mapagtuunan ng pansin ang kanilang mga anak.

Kung marami sa kaniyang mga tagahanga at tagasuporta ay talaga namang nasasabik nang mapanuod at makita siya sa mga programa sa telebisyon o sa mga pelikula ay masaya naman siyang namumuhay kasama ang kaniyang pamilya at masasabi mo nga na “worth it” ang lahat ng kaniyang mga sakripisyo. Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi ni Kristine kung paano nagtagal at nagtatagal hanggang sa ngayon ang matamis at masayang samahan nila ng kaniyang mister na si Oyo Boy. Ayon sa aktres, hindi man perperkto ang kanilang relasyon bilang isang mag-asawa ay tanging grasya ng Panginoon ang dahilan kung bakit sila nagtagal at mas lalo pang tatagal.


“Sa buhay ng mag-asawa, hindi ka palaging maganda sa paningin nila at lalo sa pakiramdam nila. It is all by God’s grace and love how married couples manage to stick together and still choose to love. It is God who first loved us — despite our sinful nature. HE chose us and i will forever choose God — same goes for YOU @osotto,”, talaga namang kinilig ang marami sa pahayag na ito ng misis para sa kaniyang mister na si Oyo Boy. Ang kanilang mga anak ay sina Kiel, 10 taong gulang; Ondrea, 7 taong gulang, Kaleb, 4 taong gulang; at si Vin na 2 taong gulang.



error: Content is protected !!