Kapamilya actress na si Liza Soberano, nagbabalik eskwela at nakita pa ang aktres na si Jodi Sta.Maria



Isang buwan matapos ang naging operasyon ng Kapamilya actress na si Liza Soberano sa Estados, Unidos ay patuloy pa rin siyang nagpapagaling kasabay ng pagpasok nitong muli sa kaniyang pag-aaral sa kolehiyo. Plano na talaga ng aktres na bumalik sa pag-aaral noon pa man at ngayon nga ay excited na excited na siya sa muli niyang pagbalik sa kaniyang international school at sa mga bagay na kaniyang matutunan pa dito. Nagbahagi ito ng isang larawan kung saan siya ay masayang nakangiti at kasama ang kaniyang guro. Ito ang kaniyang naging caption: “What I like most about being a student is the joy of discovering new things and appreciating what the world has to offer. Glad to be back.”



Si Liza Soberano ay kasalukuyang kumukuha ng BS Psychology in Southville International School and Colleges. Sa ilalim ng programa ng INNOVE Education Solution program, ang mga artista kagaya ni Liza ay pinapayagang pumasok sa klase isang beses sa isang lingo para sa kanilang “written examinations”, “hands-on exercises” at “lectures”. Ibinahagi na noon ng aktres na kinuha niya ang kurso na ito para sa kaniyang “pre-law course” na sa ngayon ay inuunti-unti na niyang isakatuparan.


“I wanted it to be my pre-law, but right now I’m kind of like more on the psychology side instead of the law side,” pahayag ni Liza. Ang “Bagani star” ay nagkaroon din ng pagkakataong makita at makausap ang kapwa niya aktres na kumukuha din ng kursong Psychology na si Jodi Sta. Maria na nasa huling semester na ng kaniyang kinukuhang kurso. Ang aktres na si Jodi ay isa sa mga top honor student ng kanilang eskwelahan na mayroong 3.8 GPA noong nakaraan niyang semester.


Ibinahagi din ni Jodi na binabalak niyang kumuha ng Master’s Degree matapos niyang maka-graduate sa kurso na ito. Psychology ang kinuha niyang kurso dahil sa pagnanais niyang makatulong sa mga taong mayroong mental health issues.





error: Content is protected !!