Kuya Escort Ion Perez itinangging mayroon silang relasyon ng It’s Showtime host na si Vice Ganda



Ikinatuwa ng marami ang kumakalat na usap-usapan patungkol sa diumano ay pagkakamabutihan nina Kuya Escort Ion Perez at It’s Showtime host na si Vice Ganda. Ito ay dahil na rin sa kanilang pag-aasaran at pagtutuksuhan sa afternoon show nila na It’s Showtime. Bagamat wala pang kumpirmasyon mula sa dalawang partido ay talaga namang bumubuhos ang maraming paghanga at papuri sa kanilang tambalan.



Sa naganap na story conference ng upcoming movie nila na pinamagatang “Mang Kepweng” ay tinanong si Ion Perez kung ano na nga ba ang tunay na relasyon nila ni Ion Perez sa isa’t-isa. Diretsahang tinanong siya ng ilang mga bloggers at reporter sa estado ng relasyon nila ng sikat na host at komedyante na agaran naman niyang sinagot. May nagtanong sa kaniya kung sila na ba ni Vice Ganda at sinagot niya naman ito ng “Hindi.”


Dagdag pa niya ay talagang malapit lamang sila sa isa’t-isa kung kaya maraming mga tao ang nag-iisip nang ganoon sa kanila at nagkakaroon ng ganoong uri ng reaksyon at persepsyon patungkol sa kanila. Marami din ang bumiro sa kaniya na tila “half-meant” ang panunukso ng ilan pang mga co-hosts ng noontime show na “It’s Showtime”. Dagdag pa nito kung mayroon mang kaunting malisya sa kanilang pagpapasaya sa mga tao ay talaga namang mapapansin pa rin na biru-biruan lamang ito para sa kanila.


Tinanong din siya kung gaano niya kamahal si Vice at sinagot naman niya ang tanong na mahal niya ang komedyante bilang isang kaibigan. Kung ang ilang mga tao ay mayroong isyu sa relasyon niya kay Vice ay wala naman diumanong isyu ito kay Ion.


Tahasan din niyang sinambit na sobrang mabait sa kaniya ang tao at wala din naman itong ginagawang masama sa kaniya. Hindi naman maipagkakaila na naging maugong ang pangalan ni Ion Perez dahil na rin kay Vice Ganda kung kaya naman malaki ang pasasalamat nito sa beteranong komedyante. Dahil sa kaniya ay nakilala siya sa industriya at nabigyan ng pagkakataong maiahon ang kaniyang mahal na pamilya sa mas magandang buhay.



Source: Pep




error: Content is protected !!