Bus na mayroong “charging ports” at banyo patok na patok ngayon sa publiko!



Sino ba naman ang ayaw magbiyahe o makalanghap ng sariwang hangin malayo sa polusyon ng kaMaynilaan, stressful na trabaho, mga katrabaho at mga boss? Tiyak na marami sa atin ang nangangarap na makapagpahinga man lamang o makapagbakasyon kahit ilang araw man lamang sa loob ng isang taon. Marahil ay mas magkakaroon tayo ng panahong mahalin at pahalagahan ang ating mga sarili.



Kung karamihan naman sa mga nagnanais bumiyahe ay namomoroblema dahil sa hindi lamang talamak ang trapiko sa mga kakalsadahan sa Pilipinas, kundi mahirap din talaga mismo ang pakikipagsapalaran sa masikip at mainit na bus na malimit nating sinasakyan.


Tiyak na magugulat kang malaman at mas maiingganya kang bumiyahe sa ibinahaging post na ito ng isang Frida Santos Solidum na nagtungo at nagbakasyon papuntang Baguio at sakay ng isa sa mga bus ng Pangasinan Solid North Transit, Inc. Aakalain mo bang sa halagang 500 piso lamang ay komportable ka nang makakabiyahe patungo sa “Summer Capital ng Pilipinas”, ang Baguio! Ang bus na kaniyang sinakyan ay mayroong mga saksakan ng charger kung kaya naman hindi ko na poproblemahin pa ang pagkaubos ng baterya ng cellphone mo. Higit pa rito ay mayroon ding malinis na banyo na mayroon pang sariling bidet. Tiyak na hindi na iindahin pa ng kahit sino ang trapik o pagkainip kung ganitong uri ng mga bus ang ating sasakyan sa ating pagbabakasyon.
Narito ang naging pahayag ni Solidum:


“Sa mga biyahero dyan at nagpaplano na bumiyahe papunta sa Baguio, we highly recommend Pangasinan Solid North Transit Inc., from PITX Parañaque to Baguio (vice versa). P500 per way lang pamasahe at may libreng patubig pa sila. Very comfy pa ‘yong bus kasi reclining seats s’ya at may kanya-kanya charging port with free wifi din. May comfort room doon kaya non-stop ‘yong biyahe,” pagkukwento ni Solidum.


Talaga namang humanga ang marami at pinuri ang ganitong klase ng bus at maraming mga pasahero ang nangangarap na sana lahat ng bus sa Pilipinas ay maging ganito na rin hindi katulad ng nakasanayan natin masikip at mala-sardinas na bus lalo na kung rush-hour. Ang nasabing post ay mayroon nang 30,000 na reactions at lagpas sa 42,000 na mga shares sa Facebook.




error: Content is protected !!