Cesar Montano, isa nang ganap na “reservist” sa “Naval Reserve Command”!

Nasorpresa ang marami dahil sa matagal ding nawala sa harap ng kamera ang aktor at direktor na si Cesar Montano matapos niyang mag-resign sa Tourism Promotions Board bilang isang CEO dahil na rin sa mga kontrobersiyang kinasasangkutan ng nasabing opisina sa proyerkto nitong “Buhay Carinderia”.

Mula noon ay naging tahimik na siya sa kaniyang personal na mga usapin. At ngayon nga ay isa na siyang reserba sa “Naval Reserve Command” o NAVRESCOM. Kamakailan lamang ay naging maugong na naman ang pangalan ng aktor dahil sa kaniyang pagsali sa Naval Reserve Command ng Philippine Navy.

Sa Facebook, ibinahagi ni Doctor Rolaiza Mimi Singayao ang isang larawan ni Cesar Montano sa Philippine Naval Reserve Command. Isa pang larawan ang. post ni Nebril Arrdiseo, na nagpapakita ng aktor na si Cesar na mayroong courtesy call sa Deputy Commander of the Naval Reserve Command na si Col. Nestor E. Narag Jr.

Ang Naval Reserve Command, o mas kilala bilang NAVRESCOM o RESCOM, ay isa sa Major Support Commands ng Philippine Navy na bino para sa  “Reserve Force management”, “procurement”, at “organization”.

Kagaya din ni Cesar Montano ay isa na ring Navy reservist ang International Boxing Federation (IBF) Super Flyweight Champion na si Jerwin Ancajas. Tumaas na ang kaniyang ranggo bilang “reserve senior chief petty officer” sa “master chief petty officer”.


Marami na ding mga sikat na personalidad ang nagpakita at nagpahayag ng kanilang interes na maging “reservists”. Kamakailan din lamang ay kinilala bilang isang lieutenant commander sa Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) ang dating matinee idol na si Diether Ocampo. Ilan pa sa kilalang mga personalidad na sumabak sa PCGA bilang mga “reservists” ay sina Matteo Guidicelli, Erwan Huessaff at Nico Bolzico. Si Matteo Guidicelli ay isang “reservist” ng Philippine Army. Tunay ngang malaki ang maitutulong ng ganitong uri ng pagsasanay hindi lamang para sa kanilang pagkatap kundi para na rin sa ating sariling bayan. Isa nga ito sa mga paraan upang maipakita natin ang ating pagpapahalaga at pagmamahal sa ating bansa.



error: Content is protected !!