James Yap, ibinahagi ang kaniyang simple at masayang pamilya na malayo sa ingay ng show business

Ibinahagi ni James Yap ang simple at mapayapang buhay niya ngayon malayo sa harap ng kamera. Ang “Rain or Shine” player ay abala sa kaniyang larong basketball, sa kaniyang negosyo, at sa lumalaki niyang pamilya. Isinalarawan ni James ang kaniyang buhay na masaya at tahimik. Kung siya ay wala sa basketball court, ang kaniyang oras ay nasa kaniyang dalawang mga anak at sa kaniyang partner na si Michela Cazzola. Siya rin ang namamahala sa kaniyang bar na “District 8 Manila”. Talaga namang inspiradong inspirado siya ngayon na magtrabaho para sa kaniyang pamilya.

Ito ang naging pahayag niya, “Well, kailangan magbigay din ng time sa family, kasi syempre itong business na ‘to para sa family, so naiintindihan naman nila ako kung busy dito, kasi para naman to sa kanila.”

Dagdag pa ng basketball star kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng panahon at oras para sa mga anak, “Kailangan i-manage mo talaga ang time mo kasi pag nagbigay ka ng time sa business, kailangan may time ka rin sa family mo, kailangan talaga ‘yun para hindi magkagulo.”, dagdag pa niya.


Dahil napag-uusapan na rin ang kaniyang mga anak ay natanong na rin siya kung nagkakaroon siya ng pagkakataon na makasama o makita ang kaniyang anak sa dating asawa na si Kris Aquino ngunit “No Comment” lamang ang isinagot nito.

Nitong Enero lamang ay bininyagan ang ikalawang anak nina James at Michela na si Francesca sa Sanctuario de San Antonio sa Makati City. Palaging tinatawag ni James na Bugoy ang anak na si MJ at Bugay naman si Franchesca.

Nagbahagi siya ng larawan ng kaniyang anak na si MJ at nilagyan ito ng caption na: “My Bugoy is ready for our Bugay’s Christening. Welcome to the Christian world my one and only Princess. God bless you.” Talaga namang nakakamangha na dedikadong ama at asawa ang kilalang personalidad na si James Yap.



error: Content is protected !!