John Lloyd Cruz, nag-update na sa kaniyang Instagram account matapos ang kontrobersiyal nilang hiwalayn ni Ellen Adarna!

Sino ba naman ang makakalimot sa isang celebrity couple na mala-“You and Me Against The World” na tema na talaga namang nagpakilig sa maraming mga netizens at maging dahilan upang maniwala ang marami sa kapangyarihan ng pag-ibig.

Ang kilalang aktor na si John Lloyd Cruz ay isa sa pinakamahusay na aktor ng kaniyang henerasyon habang si Ellen Adarna naman ay isang sikat na modelo at aktres, at kahit pa nga mayroon silang mga pagkakaiba ay hindi ito naging hadlang upang magkapalagayan sila ng kalooban at mahulog ang loob sa isa’t-isa kahit pa ano ang sabihin ng ibang mga tao sa kanilang paligid.

Ang magkasintahan ay pinili ang pribadong buhay nila at lumayo sa gulo at ingay ng mundo ng show business hanggang sa maisilang ang kanilang munting anghel na si Elias Modesto. Mayroon pa ngang usap-usapan noon na magpapakasal na ang dalawa dahil sa diumano ay “engagement ring” na nakitang suot suot ni Ellen Adarna sa kaniyang daliri.


Ngunit sa halos dalawang taong pag-iibigan ay tila napunta na sa punto na kailangan nang tapusin ang lahat sa kanila. Ito ay matapos na isiwalat ng malapit na kaibigan ni Ellen na nagising na lamang siya na hindi na niya mahal ang aktor. Hindi man naging malinaw ang rason ay sinasabi ng mapagkakatiwalaang source na ang model/actress ay hindi na makayanan pa ang kawirduhan ng aktor.

Mayroon pang ilang ulat na diumano ay namataan si Ellen sa Cebu Regional Trial Court kung saan nag-file siya ng Temporary Protection Order para sa kaniyang dating nobyo. Ilang linggo pa ang lumipas at wala nang narinig na kumpirmasyon ang publiko mula sa aktor. Sa katunayan ay napabalita pang nagtungo siya sa Vietnam upang makapagbakasyon mag-isa. At ngayon nga ay nagbahagi na ng kaniyang saloobin si John Lloyd sa kaniyang social media account kung saan nagbahagi siya ng larawan ng isang bahay na tila hindi pa tapos pinturahan na mayroong caption ng kantang “Nosi Ba Lasi” at lyrics ng kanta ng bandang “Eraserheads” na “Minsan”.



error: Content is protected !!