Kim Chiu halos maiyak sa tagumpay ng kaniyang kapatid at sa pagpapakilala nito ng nobya sa kaniya!



Bilang mga Pilipino nakasanayan na natin ang maging malapit sa ating mga kapamilya. Ang ating mga tradisyon at kultura nga din ang isa sa pinakahinahangaan ng ibang mga lahi dahil sa kahit pa mayroon nang mga pamilya ang mga anak ay maaari pa rin silang tumira sa poder ng kanilang mga magulang. At kahit pa nga magkaanak na sila ay kasakasama pa din ito ng kanilang mga lolo at lola.



Kung kaya naman hindi na nakapagtataka na maging malapit ang pamilyang Pilipino sa isa’t-isa lalo na ang mga magkakapatid. Kagaya na lamang ng magkapatid na Kim Chiu at John. Si John ay ang nakababatang kapatid ni Kim na naninirahan ngayon sa Canada at talaga namang ikinatuwa at kinasabikan ni Kim ang muling pagkikita nila ng kaniyang kapatid.


Nakaramdam ng halo-halong emosyon ang Kapamilya actress dahil sa pagpapakilala ng kaniyang kapatid sa nobya nito. Ang nobya ng kaniyang kapatid na piloto ay nakilala niya bilang si Vanessa. Nagbahagi pa nga ng larawan si Kim Chiu sa kaniyang social media account kung saan kasama niya si John at si Vanessa.


Naging bonding nilang tatlo ang paglipad sa kalangitan at ang kapatid ng Chinita Princess na si John ang siyang nagpapalipad ng kanilang sinasakyan habang sina Kim at Vanessa naman ay nasa likurang bahagi ng kanilang sinasakyang eroplano. Talaga namang bakas na bakas sa kanilang mga mata ang kasiyahan na muli silang nagkasama-samang tatlo.


Talaga namang ikinatuwa din ng maraming mga tagahanga at tagasuporta ng Kapamilya actress dahil sa talaga namang naging masaya ang kaniyang maikling bakasyon at ang pagkikita nila ng kaniyang kapatid at ng maganda nitong nobya. Naibahagi din niya na alam niya ang pakiramdam ng magpakilala ng kasintahan sa iyong mga magulang o sa iyong pamilya.



Si Kim Chiu ay una nang nakilala noon sa kaniyang pagsabak sa reality television show na Pinoy Big Brother. At mula noon ay nagsunod-sunod na ang kaniyang mga naging programa sa telebisyon at sa mga pelikula.




error: Content is protected !!