Lucy Torres-Gomez labis na hinangaan ng publiko dahil sa kaniyang throwback photos!



Isa sa pinakamagandang mukha sa industriya ng show business ay ang aktres, modelo, mananayaw at host na si Lucy Torres-Gomez. Siya ay mas kilala din bilang misis ng matinee idol at mahusay ding aktor na si Richard Gomez. Sila ay biniyayaan ng isang anak na babae na pinangalanan nilang Juliana na nagdiwang ng kaniyang ikalabing walong taong kaarawan noong Setyembre 2018.



Tunay ngang napagandang tambalan ng mahinhin at mala-Diyosang kagandahan ni Lucy at angking kagwapuhan at kakisigan ng isang Richard Gomez. Kamakailan nga lamang ay naging usap-usapan ng mga netizen ang mga magagandang larawang ibinahagi ni Lucy sa kaniyang social media account.


Isa sa mga ito ang larawan mismo ng misis ni Goma kung sana siya ay nakaharap sa tila isang lumang salamin. Ang kaniyang ganda at talaga namang nangingibabaw at kamangha-mangha. Tila ba kahit ilang taon at dekada na ang nakalilipas ay wala pa ring kupas ang kaniyang kagandahan.


Ang isa pang larawan na nagpamangha sa mga netizen at talaga namang pumukaw ng kanilang atensyon ay ang honeymoon escapade ng mag-asawa mula Switzerland patungong London. Talaga namang sweet na sweet ang mag-asawa sa kanilang honeymoon photo. Ngunit ang pinakapumukaw sa atensyon ng maraming mga netizen ay ang larawan niya habang nakasuot ng puting tank top at nakahiga sa kama. Binanggit ni Lucy sa kaniyang caption na nagustuhan ng kaniyang mister na si Richard ang kaniyang anggulo ng mga oras na iyon kung kaya naman kinuhanan siya nito ng larawan.



Talaga namang marami ang namamangha sa buhay may-asawa ng dalawang kilalang personalidad na ito. Gayundin na rin ang kanilang pagmamahal at pangangalaga sa kanilang kalusugan at pangangatawan. Sa kabila ng kanilang edad ay napapanatili pa rin nilang malusog at maganda ang kanilang pangangatawan. Sila ay nagsisilbi rin bilang isang inspirasyon para sa marami pang mga Pilipino.

Si Lucy Torres-Gomez ang kasalukuyang congresswoman ng 4th District ng Leyte habang ang kaniyang mister naman na si Richard Gomez ang mayor ng Ormoc City.




error: Content is protected !!