Categories: Viral

Mga plastik na basura maaari nang ipalit ng ilang mga detergent sa Laguna!

Ang labis na paglaki ng populasyon sa ating bansa at maging sa buong mundo ay nagdadala ng maraming mga problema lalong-lalo na pagdating sa tamang pagtatapon ng mga basura. Ang nakokolektang mga basura ay higit pa sa mga basura na kayang itapon ng maayos ng ating mga lokal na pamahalaan sa pang-araw-araw. Ang isa sa pinakamabigat nating problema pagdating sa ating mga basura ay ang pagtatapon natin ng mga plastik na talaga namang hindi rin basta basta mabubulok sa paglipas ng maraming mga taon.

Marahil ay madalas na nating napapanuod sa telebisyon o naririnig sa mga balita ang patungkol sa sandamakmak na mga plastik na napupunta sa ating mga karagatan at nagiging dahilan upang ang mga hayop at halaman sa ating karagatan ay mangagsimatay dahil sa pag-aakala nilang pagkain ang mga plastik na ito na kanilang kinakain o di kaya naman ay tuluyang nagiging sanhi upang maharangan ang mga halaman sa pagkakaroon ng tamang liwanag mula sa araw o di kaya naman ay oxygen na kailangan nila sa paggawa ng kanilang pagkain.


Sa Bay Laguna ay nagsimula na kamakailan lamang ang kanilang kampanya patungkol sa mga plastik kung saan ang kapalit ng mga naipon na basurang plastic ay sabong panlaba. Sa kaniyang Facebook post, kinumbinsi ni Konsehal Jimbo Reyes ang mga residente ng kanilang nasasakupan upang sinupin at kolektahin ang kanilang mga plastik at dalhin sa kanilang opisina dahol papalitan nila ito ng mga sabon na panglaba.

Ang slogan nila sa proyektong ito ay “Less basura, less problema, libre pa sabong panlaba”. Dagdag pa ng konsehal, ang nasabing proyekto ay programa ng mga miyembro ng AMBEC o Association of Municipal and Barangay Environment Council sa Bay, Laguna. Isinusulong niyang makiisa ang kanilang mga nasasakupan sa nasabing proyekto. Kaugnay nito ay kailangang makipag-ugnayan sila sa Committee on Environment or MENRO o Municipal Environment and Natural Resource Office ng kanilang munisipyo.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago