Napakaganda pa rin ni Angelu De Leon sa kaniyang ika-40 na taong kaarawan na ipinagdiwang niya kamakailan lamang!



Marami sa ating mga Pilipino ang talaga namang humahanga pa rin sa mga artistang sumikat noong taong ‘80s o ‘90s. Tila hindi na nga yata mapapawi pa sa ating mga alaala ang kilig at kaligayahan na kanilang ibinahagi sa atin.



Kahit pa nga hindi na sila kasingbata noong una natin silang napanuod sa telebisyon o pelikula ay talaga namang hindi pa ein natin pinalalampas ang mga pagganap ng mga paborito nating artista. Kagaya na lamang ng aktres na si Angelu De Leon na nakilala sa TGIS noon, kahanga-hanga pa rin ang angking kagandahan sa kabila ng mga taong lumipas mula nang una niyang pagsabak sa industriya ng show business. At kamakailan nga lamang ay masaya nilang ipinagdiwang ang ika-40 taon niyang kaarawan.

Talaga namang walang kupas ang kaniyang kagandahan sa enggrandeng pagdiriwang ng kaniyang kaarawan. Masayang masaya ang celebrity mom sa kaniyang espeyal na araw kung kaya naman nagbahagi siya sa social media ng ilang mga larawan nito at videos.




Lutang na lutang naman ang hanggang ngayon ay bata pa ring hitsura ng beteranang aktres. Binati rin naman siya ng kaniyang mga anak na sina Nicole at Loise. Sa kaniyang ibinahaging post sa kaniyang social media account, labis siyang nagpasalamat sa Panginoon at sa mga taon na naging parte ng kanyang buhay. Bagamat 40-anyos pa lamang siya ay pakiramdam niya na 60 taong gulang na siya dahil sa kaniyang mga pinagdaanan sa buhay.


Talaga namang hinangaan ng kaniyang mga tagasuporta ang aktres dahil sa napakagandang pananaw nito sa buhay at sa pagiging malapit nito sa Panginoon. Tunay ngang ang lahat ng mga pagsubok na pinagdadaanan natin sa buhay ay dahil sa paggabau at pagmamahal sa atin ng Panginoon. Kung kaya naman ang panibagong taon sa ating buhay ay isa lamang sa pinakamagandang biyaya na ating natatanggap mula sa Kaniya na marapat lamang nating ipagpasalamat at ipagdiwang kasama ang ating mga mahal sa buhay.




error: Content is protected !!