Ogie Diaz nagbahagi ng ilang larawan ng kaniyang ipinapatayong bagong bahay!



Sino nga ba ang hindi nangarap makapagpatayo ng sarili niyang tahanan? Ito marahil ang isa sa pinakaunang pinangarap ng karamihan sa atin na maaaring tinutupad pa lamang na ilan sa atin at mayroon din namang ilan na na natupad na. Tulad na lamang ng tagumpay na ito ng kilalang komedyante at talent manager na si Ogie Diaz.



Kamakailan lamang ay nagbahagi nga ng ilang mga larawan si Ogie Diaz ng kaniyang ipinapatayong bagong bahay. Tunay nga na kamangha-mangha ang kaniyang pagpupursige sa buhay at ang kaniyang pagsusumikap para sa kaniyang mahal sa buhay.


Totoo nga na hindi biro ang pagpapatayo ng isang malaki at eleganteng bahay ngunit kung ito naman ay pinagsumikapan at pinag-ipunan ng husto ng isang tao ay talaga namang magiging napasarap na pakiramdam nito at napakatamis na tagumpay.


Ilan pa sa mga larawan na ibinahagi ng beteranong komedyante ay mga larawan kung sana kasama ang kaniyang arkitekto na si Rojie Escalona kasama ang ama nito na si Engineer Romeo Escalona. Pinuri din niya ang mga ito sa kanilang kahusayan sa kanilang larangan. Ang ilan sa kaniyang mga ibinahaging larawan ay nilagyan niya ng caption na talaga namang nagbigay ng ngiti sa mga taong nakabasa nito dahil sa pagbibiro nito at ito ang kaniyang sinambit:


“Malapit na siyang matapos. Depende kung mababayaran ako ng mga may utang sa akin. Dito kaya ako maningil sa fb?”
Si Ogie Diaz ay isang kilalang komedyante, aktor, at talent manager. Isa sa kaniyang mga inaalagang artista ay ang popular na Kapamilya actress na si Liza Soberano. Dati na ring napapanuod at naging parte ng comedy series ng ABS-CBN na may pamagat na “Home Sweetie Home” ang popular na komedyante.



Maraming mga Pilipino ang talaga namang humanga sa tagumpay na ito ni Ogie Diaz. Tunay ngang walang anumang makakahadlang sa isang taong pursigido at may pangarap sa buhay. Lalo na sa mga taong mayroon ding pamilya at mga anak na umaasa sa kanila. Tunay ngang ang paghihirap, pagsusumikap, at pagtitiyaga ay magbubunga rin ng matamis na tagumpay.




error: Content is protected !!