Isang netizen gumawa ng resume at nag-apply bilang nobya ni Mayor Vico Sotto!



Usap-usapan sa social media ngayon ang post ng netizen na nakilala bilang si Hettianne Gamel matapos siyang magpost ng kaniyang resume ngunit hindi dahil nais niyang makahanap ng trabaho kundi upang maging aplikante sa puso ng alkalde ng siyudad ng Pasig na si Vico Sotto. Ang nasabing viral post ng dalaga ay mayroon na ngayong mahigit sa 32,000 na mga reaksyon, higit sa 1,100 na mga komento at higit sa 15,000 na mga shares habang sinusulat ang artikulo na ito.



Ayon sa post ni Hettianne ay handa na ang kaniyang resume ngunit ang malaking tanong para sa kaniya ay kung handa na rin ba ang alkalde na tanggapin siya? Talaga namang umani ng sari-saring komento ang nakakatuwang post ng dalagang ito na animo ay nag-aapply lamang ng trabaho sa puso ng single na alkalde bilang future wife o future girlfriend nito.


Katulad ng iba pang mga resume ay mayroon ding “objectives” ang kaniyang resume. Ilan sa nga inilagay niyang “objectives” dito ay ang “ingatan ka,” “alagaan ka,” “sa puso ko ikaw ang pag-asa,” “sa ‘ting mundo, may gagabay sa ‘yo,” at “alay ko’y pegmemehel ko.” Ang kaniya namang mga kwalipikasyon sa resume ay ang pagiging public servant (naka-public mga post ko sa FB), smart (charot Globe ako), may itsura (may mata, ilong, bibig naman ako. Pimples din.)


Ito pa ang nakakatuwang pahayag ng dalaga sa kaniyang resume na tila ba kinukumbinsi talaga si Mayor Vico na tanggapin siya bilang nobya:
“I’m not really vocal with political views these past few years but I have my own stand. Pwede nating pag-usapan ‘yan habang nagsta-star gazing tayo mayor. Char.”


Para naman sa kaniyang character references ay inilagay niya ang mga bagay na madalas sabihin sa kaniya ng mga malalapit niyang kaibigan. “Hindi siya (ma)ganda, pero hindi rin siya nang-iiwan,” pahayag mismo ng kaniyang matalik na kaibigan . “Perfect siya magluto ng pancit canton, like, super perfect,” dagdag pa ng kaniyang roommate. “Kahit shy type siya, she’s a good leader. ‘Pag siya nag-organize ng swimming, natutuloy,” komento naman ito ng kaniyang college friend.






error: Content is protected !!